Advertisers

Advertisers

Carla at Tom nilantad ang tunay na rason ng hiwalayan

0 346

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

AYON sa isang showbiz platform sa socmed nag-research naman daw ng bonggang-bongga ang main host-vlogger sa kanilang You Tube channel.
Sa nakalap na tsika, ang true reason daw ng split up ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez ay nagmula sa isang text.
May nagtext daw na girlash na tila pini- flirt si Tom.
At dahil dun pag uwi ni Tom ay nasa labas na ang mga gamit nito eh wala pa naman daw kaanak si Tom sa Pilipinas.
Kaya ni-rescue raw ito ng kaibigan na si Sam Milby.
Trauma na marahil si Carla dahil ang kanyang ama na si Rey PJ Abellana ay matinik sa tsiks na ayaw nitong mangyari sa pagsasama sana nila.
At nauwi na nga sa hiwalayan ang relasyon ng dalawa matapos ikasal at pitong taon din naging magdyowa sina Tom at Carla.
Wala rin daw kapera-pera si Tom kaya humahanap ito ng raket sa Amerika ayon pa sa tsika ng host vlogger.
Pinabulaanan ang isyung ikinabit sa actor na may nabuntis at kasapi sa LGBTQ community.
Tanging text nga lang daw ang naging sanhi ng paghihiwalay ng celebrity couple na nabasa ni Carla kaya nagdesisyon na ito ng hiwalay makalipas ang 3 buwan mula nang ikinasal sila.
***
Sharon at Kiko, proud sa pag- out ng anak na si Miel
SA post sa socmed ni Miel Pangilinan ay may dala itong rainbow flag.
Super out na nga si Miel at pagmamalaki nito na member din ito ng LGBTQ+.
Imbes nga ma-shock at magalit ang parents nitong sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.
Proud ang parents ni Miel sa pag-out nito at isa itong queer.
Bumilib naman si Kiko sa tapang ng anak sa pag-out.
At bilang magulang ay suportado nina Sharon at Kiko kung anuman ang gender ng anak.
Well, well, well…’Yun na!