Advertisers

Advertisers

CineIskool Film Festival, hahataw na

0 250

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

HAHATAW na ang CineIskool Film Festival mula Hunyo 22 hanggang 25 sa Gateway Cineplex, Gateway Mall sa Quezon City.
Ang CineIskool Filmfest ay handog ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Commission on Higher Education(CHED) sa ilalim ng ahensiya nitong Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).
Ang sampung finalists na mapapanood sa festival run ay ang “A Million Worth Degree” ni Mary Franz Salazar, “DiseSyete” ni Adora Paula Bangay, “Higayon” (Chance) ni John Paul Cotton, “Jeremiah 29:11” ni Jenny Mae Limama, “Kapawa” (Liwanag) ni David Mark Oray, “Koro Kan Saldang” (Chorus of the Sun) ni Xavier Roncesvalles, “Langyaw” (Dayo) ni Jayve Cabanero, “Lapis Akong Naghihintay Ng Pantasa” ni Gerald S.Pesigan, “Pagbangon:A Documentary” ni Joseph Bersabal at “Palhi” ni John Angelo Arroyo.
Ang sampung kalahok mula sa buong kapuluan ay pinagkalooban ng PHP125,000 production grant para maiprodyus ang kanilang short films.
Sumailalim din ang mga napiling filmmakers sa masinsinang film lab o training sa ilalim ng mga batikang director para maiangat ang kalidad ng kanilang mga obra.
Ang CineIskool ay naglalayong lumikha ng mga pelikulang tumatalakay sa iba’t ibang tema na binibigyang halaga ang pagkakaroon ng tersyaryong edukasyon.
Layunin din nitong himukin ang mga kabataan na samantalahin ang iba’t ibang education assistance programs ng gobyerno para malinang ang kanilang sining. #CineIskoolFilmFestival #TeamFDCP.