Advertisers

Advertisers

KZ at Albie excited na sa pagsisimula ng Top Class: Rise to P-pop Stardom

0 291

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

ILANG araw na lang, June 18, ay magsisimula nang mapanuod ang bago, most advanced at most interactive P-pop talent reality competition sa bansa, ang Top Class: Rise to P-pop Stardom.
Ito ay hatid ng TV5, Kumu, Cignal Entertainment at Cornerstone Entertainment.
Sa idinaos na media conference last Sunday, June 12, sa Glorietta Activity Center sa Makati City, iniharap na sa madla ang 30 official trainees na sasailalim sa iba’t ibang proseso at haharap sa kailang mga mentors para ipakita ang kanilang kakayahan.
Ang mga hosts ay sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Albie Casino at Yukii Takahashi.
Magsisilbi namang mentors sina KZ Tandingan (vocal), Brian Puspos (dance) at Shanti Dope (rap).
Tsika nga ni KZ sa panayam, umaabot daw sa 70% ang singers sa mga trainees bagama’t hindi pa niya masasabi sa ngayon kung sino ang angat sa mga ito.
Nagdaan din ang mahusay na singer na may nag-mentor sa kanya kaya ngayong siya naman ang mentor ay excited si KZ.
“Buong klase sila, 30, all I’m expecting from them is to give their 200%. More than a thousand ang pinagpilian sa kanila,” sey ni KZ.
Sa ngayon ay kinikilala pa ni KZ ang bawat isa sa 30 trainees partikular na sa pagkanta.
Ang mga sinuwerteng mapasok sa Top Class at haharapin ang iba’t ibang pagsubok ay sina Dean Villareal, El Mendoza, Lex Reyes, Justine Castillon, Kim Huat Ng, Harvey Castro, Joshuel Fajardo, Gilly Guzman, Kenzo Bautista, Seb Herrera, Denver Dalman, Francis Lim, Trick Santos, Jascel Valencia, Tanner Jude, Jon Laureles, Clyde Garcia, Matt Cruz, Timothy Tiu, Brian Zamora, Jeff Cabrera, aroj Concepcion, Jai Gonzales, Chase Peralta, Dave Bono, Ash Rivera, JC Dacillo, RZ Condor, Niko Badayos at Gab Salvador.
Samantala, dream come true naman para kay Albie ang mapiling co-host sa TC. Kahit kabado dahil first time, alam anya niyang daan ito para mahasa pa ang kanyang kaalaman sa hosting.
Happy at excited din si Albie na makasama sa entablado si Catriona sa pagho-host. Dagdag pa ng aktor, pangarap din umano niyang maging host ng isang beauty pageant.
Kaya tumutok na sa Top Class: Rise to P-pop Stadom simula sa June 18 sa KUMU (daily streaming) at TV 5 (tuwing Sabado).