Advertisers

Advertisers

UAAP: UST tinuldukan ang 10-year title drought sa men’s chess

0 232

Advertisers

TINULDUKAN ng University of Santo Tomas ang 10-taon na tag-tuyot sa titulo ng chess matapos pagharian ang Season 84 tournament Miyerkules sa FEU Engineering Building Auditorium sa Sampaloc, Manila.

Nasungkit ng Tiger Woodpushers ang kanilang ika-walong championship with 28 points, na nagwagi sa huling round kontra De La Salle University, 2.5-1.5.

“Ako kasi I can say na talagang high caliber ‘yung mga players natin,” Wika ni coach Ronald Dableo sa kanyang team. “Malaking factor na ‘yung mga players natin mga beterano na talaga ‘yan mula high school, nag-e-MVP, nag-go-gold medalist. Tuluy-tuloy ‘yun, siyempre.”



University of the Philippines nagtapos sa second place na may 26 points matapos ang 3.5-0.5 wagi vs Adamson University.

Samantala, Dinispatsa ng Far Eastern University ang Ateneo de Manila University,3.5-0.5, para makumpleto ang podium sa 25 points.

FEU senior Jeth Romy Morado naungusan si UP rookie Jan Daryl Batula sa tiebreaker armagedon match para ibulsa ang Most Valuable Player award at ang Board 1 gold. Batula tinanggap ang Rookie of the Year honors.

UP’s Stephen Rome Pangilinan ang nangibabaw sa Board 2 na may 72.2 -percent clip at 6.5 points, Habang si John Jasper Laxaman ng FEU ang nagwagi sa Board 3 na may parehong winning clip at 6.5 points.

La Salle ang naguwi ng 3 ibang board golds si Cyril Telesforo sa Board 4 na may 8.5 points,Demi John Lemi sa Board 5 na may six points, at Jester Sistoza sa Board 6 na may 6 points.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">