Advertisers

Advertisers

ARREST WARRANT LABAN SA PUMASLANG KAY MALABANAN

0 377

Advertisers

UPDATE po lamang ito sa tinutukan nating kaso ng pagpaslang sa ating kabaro na isa ring beteranong journalist na si Jesus “Jess” Malabanan.

Bilang namununo sa Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), di tayo susuko sa mga ganitong pangyayari ng karahasan sa mga kasapi ng sektor ng pamamahayag.

Ang warrant of arrest laban Kay Aries Solomon ng Tinambacan District, Calbayog City ay inilabas na ni Judge Cicero Lampasa ng Branch 32 ng Regional Trial Court ng Calbayog City. Matapos mapatunayan ng prosekusyon na may matibay na ebidensiya laban sa suspek sa pagpatay kay Malabanan.



Kahit na papalapit pa ang pagpapalit ng administrasyong magpapatakbo ng ating pamahalaan, ang PTFoMS ay mananatiling tapat at tutuparin ang mandato nito na tutukan at pangalagaan ang seguridad ng bawat media sa bansa.

Pinapurihan din natin ang ating katambal sa mandatong ito, ang Philippine National Police (PNP) at ang National Prosecution Office na walang sawa rin sa pagtutok at ikalulutas ng kasong pagpaslang sa ating kaibigan si Jess Malabanan.

Hangga’t tayo ay kaya pang maglingkod, di po titigil ang inyong lingkod hangga’t di naparusahan ang gumawa ng krimeng ito ay kay Jess. Ang paglalabas ng warrant of arrest ay magiging babala sa sinomang magtatangka pa sa buhay ng mga mamamahayag.

Ang task force na ito sa ilalim ng Office of the President na siyang nagtatag nito ay di titigil sa ganitong pakikipaglaban, hangga’t di nakukuha ang hustisya para sa mga media na biktima ng karahasan.

Inaasahan din natin na ang susunod na administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay ipagpatuloy pa at palakasin ang PTFoMS dahil na rin sa kahilingan ng National Press Club of the Philippines (NPC) at ng Publishers’ Association of the Philippines, Inc. (PAPI).



Inyong matatandaang na si Malabanan, ay correspondent ng iba’t ibang news outfits, bago ito binaril ng isang gunman sa loob ng kanyang tindahn sa Calbayog City noong December 8, 2021.

Di man may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pamamaslang, dahil natuloy ng imbestigasyon na ito ay sa kadahilanang si Jess ay tumutulong lamang sa isang grupo ng mahihirap na magsasaka para ilaban ang kanilang karapatan sa pinagtatalunang malawak na bukirin.

Di namin susukan ng PTFoMS ang kasong ito hangga’t di nadakip ang salarin at sino pang nasa likuran ng krimeng ito.