Advertisers
Hirap masingil at tila walang senyales na magbabayad sa isang proyektong kontratahan mula pa noong taong 2018 ay tuluyan nang nagdemanda sa korte ang isang negosyanteng dating actor/model na nabaon sa P2.9 milyon utang laban sa Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at 4 na iba pang kasamahan nito.
Kasong Estafa ang inihain kamakalawa (June 16) ng negosyanyeng dating actor/model na si Karl Ipong sa tanggapan ni Manila RTC Asst. City Prosecutor Gerald Co laban kay PCOO Asec. Ramon Cualoping Iii at sa mga kasamahan niyang sina Karl Louie Fajardo ( best friend atlegal adviser ni Coaloping), Mary Joy Javines at Luz Cabrera at ang dating tauhan ni Voaloping sa PCOO na si Sharmaine Atienza.
Batay sa affidavit ng complainant na si Karl Ipong, lumagda sina Cualoping at Fajardo sa kontrata sa kanilang kumpanya para magpagawa ng T-Shirt, Polo-Shirt, Jacket at sari-saring pang-give-away sa proyekto ni Cualoping na “Rehabinasyon” na ginanap sa Davao noong 2018.
Ang “Rehabinasyon” ay pinondohan ng PDEA na tumakbo ang kontratahan mula January 2018 hanggang March 2018. Minadali diumano ni Cualoping ang pag-deliver ng commodities kahit walang tamang procurement sa PCOO dahil isusuot daw ang mga iyon nina PRRD at Sen. Go. Inilagay sa Purchase Order na Cash On Delivery (COD) ang term. Kaya nag-deliver si Ipong sa takdang usapan, na hindi alam ng biktima na bawal sa gobyerno ang COD term.
“Kung hindi nila ipinilit na si Pres. Duterte at si SAP Bong Go ang magsusuot, hindi sana namin minadali ang delivery. Kasi noong una, gusto naming kumpleto sana ang dokumento. Pero sabi ni Sharmaine, kawawa ang boss n’ya (si Cualoping) kung hindi agad madi-deliver,” saad ni Ipong sa kaniyang reklamo.
Para makatiyak ay kinausap daw ni Ipong sa telepono si Cualoping bago ang delivery at sinabi ng ASec Cualoping na ito na magtiwala si Ipong sa PCOO dahil may pambayad naman sila.
“Actually, nabayaran naman kasi nila ‘yung first deal namin, kaya nagtiwala nga kami,” sabi pa ng dating aktor at model na kasabayan nina AJ Dee at Boy2 Quizon.
Gayunman, dahil wala namang ibinayad, pinag-abono si Ipong ng kanyang kumpanya at umutang siya ng P1.6 M mula sa apat na financial institutions. Makaraan ang apat na taon, umabot na sa P2.9 M ang utang ni Ipong sa taas ng interest.
Na-ospital ang biktima sanhi ng labis na hinanakit at may dokumento siyang hawak mula sa Metropolitan Hospital para patunayang dumanas ito ng severe anxiety attack.