Advertisers

Advertisers

PSC Chief Ramirez ginawaran ng Presidential Medal of Merit ni PRRD

0 170

Advertisers

GINAWARAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Medal of Merit si Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez sa simpleng seremonyas na ginanap sa Palasyo ng Malacañang nitong Huwebes.

Kasama ang iilan lamang na miyembro ng gabinete at pinuno ng mga ahensya, tinanggap ni Ramirez ang nasabing parangal mula sa pangulo para sa kanyang walang katulad na trabaho bilang pinuno ng sports agency ng gobyerno.

Nagpasalamat si Ramirez kay Duterte sa pagkakataong pamunuan ang PSC at maging bahagi ng pangkat ng Pangulo.



“Tinanong ako ng Presidente, Butch, gaano ka na katagal sa akin? I realized I have worked with him for more than 15 years in different capacities,” ayon sa nag-iisang naging two-term na PSC chief.

“Kapag ang isang tao ay nagtatrabaho sa gobyerno, ginagawa niya ang kanyang trabaho dahil ito ay kanyang responsibilidad at pangako. I didn’t expect this,” ani Ramirez na inialay ang award sa atleta, coaches at PSC employees.

Ayon pa kay Ramirez, isang malaking pribileheyo para sa kanya ang tulungan ang mga atleta at ang nakamit umanong karangalan ng Philippine sports ay bunga ng pagtutulungan ng lahat.

Ang Presidential Medal of Merit ay itinatag noong 1949 at iginawad ng Pangulo ng Pilipinas bilang pagkilala sa mga karapat-dapat na tagumpay at serbisyo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">