Advertisers
Habang papalapit ang opisyal na panunungkulan ni PRESIDENT ELECT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. ay lalong pumapagaspas na ang pakpak ngayon ng NEGOSYANTENG POLITIKONG BULAKENYO na tinaguriang PARU-PARO sa paghahagilap ng madadapuang koneksiyon para makapangulimbat ng bilyong salapi sa kaban ng bayan.
Ito ang labis na ipinag-aalala ng mga POLITIKONG BUBUYOG sa BULACAN dahil sa mabukilyang bibig ng kanilang kinaaasarang POLITIKONG TALUNAN nitong nakaraang eleksiyon sa pagiging MAYOR sa isa sa mga bayan ng BULACAN PROVINCE.., ay posible umanong ma-brainwash ang mga nakapaligid kay PRES. BBM at muling.makapangulimbat ito sa malalaking proyekto ng gobyerno.
Bulong ng mga POLITIKONG BUBUYOG na itong si PARU-PARONG NEGOSYANTENG BULAKENYO ay nasangkot na sa mahigit P8 bilyong proyektong pang-barangayan noong bago pa ang DUTERTE ADMINISTRATION.., na mahigit 400 BARANGAY ang bumubuo sa ating bansa ay wala pa raw sa 10 BARANGAY ang nagawaan ng proyekto.
Pinaimbestigahan pa raw ito ng grupo ng isang REPRESENTATIVE KARATE .., pero, ang ipinagtataka ng mga POLITIKONG BUBUYOG ay tila nawisikan ng pabango mula sa mga PAKPAK ni PARU-PARONG NEGOSYANTENG POLITIKO itong si REP. KARATE kaya natahimik na sa isyu.
Kaya naman, nang matalo sa pagkakandidato bilang MAYOR ay laking tuwa hindi lamang ng mga kababayan nito kundi maging ang kasamahan niya sa dating naghaharing politikang YELLOW BIRDS ay nagdiwang.., dahil naiiwas na makulimbatan ang pinagnasaang bayan nitong nagsa-PARU-PARONG TALUNANG POLITIKO.
Noong naghahari ang mga DILAWAN o YELLOW BIRDS ay nangunguna raw ito sa mga BOLAHAN.., ngayong uupo na ang BBM FORCE ay nagsa-RED BUTTERFLY na ito para mapapaniwala at makuha ang tiwala ng UNITY TEAMS.., na ngayon pa lamang daw ay may ibinibida na siyang BOLAHAN GAMING POLICY na magpapasok ng limpak-limpak na salapi sa kaban ng bayan.., na lalong nanlaki ang mga mata ng mga BUBUYOG, kasi dudugasin lang daw nito tulad sa naging pangungulimbat nito sa mga nagdaang administrasyon!
Sa kasalukuyan ay panay ang dikit nitong si PARU-PARONG NEGOSYANTENG POLITIKO NG BULACAN sa mga BBM TRUSTED POLITICIAN.., na ipiniprisinta na nito ang mga “PAMAMARAAN” upang makinabang ang gobyerno sa lahat ng uri ng sugal yaman lamang at hindi masugpo ang mga tinataguriang ILLEGAL GAMBLING.
Ang hindi matiyak ng mga POLITIKONG BUBUYOG sa BULACAN ay kung anong posisyon ang tinatarget nitong mapanghawakan.., may isang klase kaya ng SUGAL ang palalaganapin nito para mapalitan ang kinikilalang GAMBLING LORD na si ATONG ANG..? O posibleng target nito ay.., siya ang maging HEPE ng PAGCOR para siya na ang kilalaning LORD OF GAMBLING LORDS?
Ang pag-iingay ng mga POLITIKONG BUBUYOG sa BULACAN ay ang makalampag at mabigyan daw ng babala ang BBM CAMP na huwag ma-olats ang mga ito sakaling sumugal na mabigyan ng puwesto ang tinagurian nilang PARU-PARONG NEGOSYANYENG POLITIKO ng BULACAN.., dahil mandudugas lamang umano ito sa kaban ng bayan tulad sa mga nakaraang administrasyon!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.