Advertisers

Advertisers

Bumaligtad ang mundo after PNoy

0 244

Advertisers

NGAYON lamang napagtanto ng maraming Pinoy ang kaayusan ng PNoy administration matapos makaranas ng hirap sa outgoing administration bunga ng “mismanagement”, sabi nga ni outgoing Senator Franklin Drilon, ang tinaguriang “Big Man” ng Senado.

Noong panahon kasi ni late PNoy ay mababa talaga ang produkto ng petroloyo, nasa P28 hanggang P32 lang ang krudo, at ang bigas ay nasa P20 to P25 lang ang kilo.

Pero nang pumasok si Pangulong Rody Duterte noong 2016, nagsimula na ang kalbaryo ng mga Pinoy. Biglang tumaas ang krudo dahil sa ipinatupad na train law, pagpataw ng mataas na fuel tax. Ito’y para matustusan ang pagdoble sa sueldo ng uniformed personnel (PNP, BFP, BJMP at PCG) at mapangahas na Build Build Build na natadtad lang ng katiwalian.



Isa pa sa naging sanhi ng pagkabaon ng Pilipinas sa utang ay ang pandemya ng Covid-19 na natadtad din ng korapsyon.

Sa panahon ni PNoy, ang Pilipinas ay kumita ng P1 trillion a year, nabayaran ang mga utang mg Pilipinas, nakapagpatupad ng napakaraming proyekto, at nakapag-iwan ng P3 trillion pondo sa sumunod na administration (Duterte).

Pero ang pondong ito na iniwan ni late PNoy sa kanyang successor, Pangulong Rody Duterte, ay naubos at nakapangutang pa si Duterte ng higit P6 trillion, na iiwanan naman kay incoming President Bongbong Marcos Jr..

Aminin man at hindi, hilong talelong ngayon si BBM (Bongbong Marcos) kung paano pa maibaba ang presyo ng mga produkto ng petrolyo, na naging pangunahing sanhi kung bakit tumaas ang presyo ng mga bilihin.

Sabi ng mga ekonomista, dapat ay suspindehin ng BBM administration ang fuel tax para kahit papaano ay malaki ang maibawas sa mataas na presyo ng krudo at gasolina.



Sa kasalukuyan, nasa P90 plus na ang krudo sa Metro Manila, habang sa mga probinsiya sa tawid dagat ay nasa P100 plus na.

Isa sa mga idinadahilan ng patuloy na pagtaas ng krudo sa bansa ay ang giyera ng Russia at Ukraine. Pero hindi naman kumukuha ng suplay ng langis sa Russia o sa Ukraine ang Pilipinas kundi sa Middle East.

Ang produktong kinukuha sa Ukraine ay animal feeds, hindi langis.

That means, ang talagang isa sa mga rason ng grabeng pagtaas ng presyo ng mga produkto ng petrolyo sa bansa simula nang maupo si Duterte ay ang kanyang train law, hindi ang giyera ng Russia at Ukraine.

Kung ito ang rason ng price hike ng langis, bakit hindi nalang lusawin ang fuel tax at bawasan ang overpaid na govt. officials. Mismo!

***

May sinasabi ang kinatawan ng Magsasaka Partylist Representative na si Argel Cabatbat tungkol sa paglobo ng suicide rate sa mga magbubukid mula 2018 – 2021.

Para kay Cabatbat, kaya maraming nag-suicide na magsasaka ay dahil sa pagkalugi ng mga ito dahil narin sa mga importasyon at smuggling.

“Bakit pagdating sa importer ang laki ng kanilang (Dept of Agriculture) puso? Pagdating sa constituents niya, wala silang pakialam. Pagdating ng susunod na admin, sana may mapanagot. Tumaas ang suicide rate ng mga magsasaka mula 2018 hanggang 2021. Dahil siguro ito sa pagpasok ng imported na produktong may epekto sa magsasaka,” diin ni Cabatbat. Puede!