Advertisers
Habang isinusulat ang kolum na ito ay wala pang naitatalaga na maging HEALTH SECRETARY si INCOMING PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.., na ang nararapat maipuwesto sa DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ay yaong eksperto sa maraming bagay.., ika nga, hindi lamang sa pagmamando ng tao kundi marunong mag-analisa at bumusisi ng aktuwal sa aspeto ng pangkalusugan.
Kung bihasa sa kasanayan ang taong mailalagay bilang hepe sa isang departamento o ahensiya ng gobyerno ay hindi ito mapaglalalangan ng kaniyang mga pinangangasiwaan lalo na sa aspeto ng mga pandaraya.
Sa pananaw ng ARYA.., ang opisyal na naaangkop para pangasiwaan ang DOH ay isa na si FORENSIC EXPERT DR. ERWIN ERFE dahil bukod sa pagiging doktor nito ay isa rin siyang anogado.
Sa pananaliksik ng ARYA., Itong SI DR. ERFE na kasalukuyang FORENSIC CHIEF ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) na pinangangasiwaan ni ATTY. PERSIDA ACOSTA ay napakarami palang pinag-aralan ang una.
SI DR. ERFE na kasalukuyang FORENSIC PRACTITIONER ay bihasang-bihasa sa pagbubutingting o pag-opera sa katawan ng mga patay para masuri kung ano sng naging sanhi sa pagkamatay ng isang tao.., na Isa ito sa mahahalagang ebidensiya na isinusumite sa korte sa panahon ng mga paglilitis.
Isa siyang REGISTERED PHYSICIAN at LIFETIME MEMBER ng INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES at ng INTERNATIONAL ASSOCIATION FOR IDENTIFICATION.., na may professional practice ito sa larangan ng batas, risk management at forensic. Nanghahawak din ito ng mga DEGREE sa PSYCHOLOGY, MEDICINE at LAW.., SENIOR EXECUTIVE FELLOW Ng HARVARD UNIVERSITY JOHN F. KENNEDY SCHOOL OF GOVERNMENT. Nagkamit din ito ng PROFESSIONAL CERTIFICATE IN INTERNATIONAL MANAGEMENT AND LEADERSHIP sa ICPS LONDON, UK; CERTIFICATE IN PUBLIC FINANCIAL MANAGEMENT sa HARVARD JOHN F KENNEDY.., na napakahalagang aspeto sa pamumuno ng isang government agency upang masinop ang paggamit ng salapi.
Nagtapos din ito sa iba’t ibang TRAINIGS sa VIRGINIA INSTITUTE OF FORENSIC SCIENCE AND MEDICINE; WILLIAM M. BASS FORENSIC ANTHROPOLOGY CENTER; ; LABORATORY OF FORENSIC SCIENCE sa NEW YORK; ; UNIVERSITY OF TENNESSEE DEPARTMENT OF ANTHROPOLOGY; ANTHROPOLOGICAL RESEARCH FACILITY (‘THE BODY FARM”) sa KNOXVILLE at iba’t iba pang kadalubhasaan na ika nga ay malaking bagay para magamit ito sa pamumuno tulad sa DOH.
Ika nga, hindi magogoyo ng kaniyang mga pamumunuan dahil mabibisto ng isang LAWYER at EXPERT MEDICAL PRACTITIONER na tulad ni ATTY./DR. ERFE.., pero nasa pamimili pa rin yan ni INCOMING PRESIDENT BONGBONG MARCOS sa kung sino ang sa tingin niya ay mahusay na opisyal na kaniyang makakatuwang para sa pangangasiwa sa buong bansa ., na ang nailahad ng kolum na ito ay pansariling pananaw lamang na maaaring magiging malaking katulungan sa magiging bagong administrasyon!
***
COFFEE TABLE BOOK NG PCUP
Upang alalahanin at ipagdiwang ang mga naging tagumpay ng PRESIDENTIAK COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) sa misyon nitong tulungan ang mga maralitang tagalungsod ng bansa ay isang coffee table book ang pormal nitong isasapubliko sa susunod na linggo.
Isinawika ni PCUP CHAIRPERSON at CEO UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO na.., “sa nalalapit na pagtatapos ng administrasyon ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE, bumuo ang aming ahensya ng isang makabuluhang paraan upang sariwain ang mga nagawa ng PCUP sa loob ng tatlong taon, kung kaya’t naisakatuparan ang coffee table book na ito”.
Dagdag pa ni USEC FELICIANO na, “magsisilbing compilation at transparency report ang nasabing libro at doon ay ilalarawan ang mga naging ambag ng PCUP sa buhay ng mga maralita sa buong panig ng bansa”.
Ilan lamang sa mga lalamanin ng nasabing coffee table book ang mga programa ng PCUP mula 2018 hanggang 2021, partikular ang mga naisagawa noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Kabilang din ang ilang info-graphics at mga larawan na sumalamin sa mga naitulong ng Komisyon, tulad na lamang ng accomplishment nitong 10 milyong maralitang Pilipinong naasistehan, maging ang kasaysayan ng Kmoisyon.
Mapapanuod naman sa official Facebook page ng PCUP na @PCUPOfficial at ng Radio Television Malacañang (RTVM) ang nasabing programa, at para maging updated sa lahat ng events at programa ng Komisyon, bukas ang linya nito via Messenger.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.