Advertisers
Hindi po bakbakan yan sa ibabaw ng ring o one-on-one sa hardcourt. Yan ay unahan nina Floyd Mayweather at LeBron James na makapagtayo ng koponan sa NBA na base sa Las Vegas, Nevada.
Opo parehong naghayag ang undefeated boxer at 4-time league champ na makapagmay-ari ng isang prangkisa sa pinakasikat na liga sa buong mundo.
Ang entertainment at gaming capital ay bagay talagang maging isa sa siyudad ng expansion ng NBA kung magkaroon man. Kaso sabi ni Commissioner Adam Silver ay wala pa silang plano na magdagdag ng team. Pero pwede naman sila bumili ng isang existing franchise at ilipat ito sa preferred nilang city.
Si Mayweather na residente ng lungsod sa Nevada ay mga anim na buwan na raw kumikilos hinggil sa plano niyang ito. Bagama’t tahimik lang daw siya ay marami na siyang nakausap na mga kapwa investor na interesado sa kanyang mungkahi.
Ire naman si LBJ na malapit nang magretiro ay nagsalita na tungkol sa kanyang pangarap na gawin pagkatapos maglaro.
Gaya ni Michael Jordan na hawak ang Charlotte Hornets ay natural na tahakin din ito ng karibal sa titulong The GOAT.
Sino kaya ang magwagi sa dalawang bilyonaryong sports icon na tawagin NBA team owner ng LV?
Eka ni Ka Berong ay maaari naman co-owner sila para walang away. Tama! Abangan!
***
Hindi maganda ang naganap na eksena sa pagitan ng mga coach ng Northport at Blackwater sa pagtatapos ng kanilang game.
Sa halip na magkamayan sa centercourt gaya ng nakagawian sa PBA ay pinadama ni Pido Jarencio ng Batang Pier ang pagkainis kay Ariel Vanguardia ng Bossing.
Napika si Coach Pido sa tinawag na timeout sa huling anim na segundo ng laro kahit sigurado na panalo ng team ni Dioceldo Sy. Hindi naman daw tinira ang bola sa nalalabing oras.
Ayon naman sa mentor ng Blackwater at talagang nagmap-out sila ng play para sa sakaling quotient system. Kaso lang daw hindi nagawang mabuti ang opensa. May usapan na rin daw mga bench tactician na uubra ang ganito.
Sana raw sabi ni Tata Selo na pinag-usapan na lang nang maayos. Walang bundulan at murahan. Kaso mainit siyempre ulo ng natalo kaya ganoon ang nangyari. Wala naman balita na pinatawag sila ni Kume Willie Marcial.
***
Wala pang natatalaga na mga bubuo ng Philippine Sports Commission sa bagong administrasyon. Dito natin makikita kung gaano kaprayoridad ito ni FM2. Ano nga ba paboritong laruin ng unico hijo ni Imelda? Wala tayong alam.
Ang tinuran lang ng anak ng diktador sa field na ito noon ay nais niya na walang pulitika sa larangang ito.
Kulang isang linggo na lamang at magsisimula na ang Marcos Jr gov’t. Aba siyempre may transition period pa yan nang pagsasalin ng poder ng chairman at mga commissioner.