Advertisers

Advertisers

CONGRESSMAN BALASUBAS NG BATANGAS

0 447

Advertisers

Sino itong palalo at sinungaling na kongresista ng isang distrito diyan sa lalawigan ng Batangas?

Lumabas ang totoong kulay at pagkatao ng mambabatas na ito makaraang manalo nitong nagdaang May 9, 2022 elections.

Lumutang ang totoong ugali nitong pagka-BALASUBAS nang hindi nito bayaran ng buo ang kanyang mga kausap na tumulong sa kanyang kandidatura sa panahon ng pangangampanya.



Maging ang bayad sa kanyang mga supporters ay hindi rin nabayaran ng buo.

Pati ang bayad sa mga negosyanteng nagsupply ng kanyang mga campaign paraphernalias/materials ay mistulang sinuba ng Batanguenong solon.

Marami po talagang mga ganitong pulitiko diyan sa lugar na ‘yan ang may ganyang ugali.

Mabuti nga itong BALASUBAS na CONGRESSMAN, nanalo at kahit kalahati ng kanyang mga commitments sa tao ay nabayaran.

Paano na kaya kung NATALO pa, baka kahit singkong duling, walang natanggap ang mga nagserbisyo sa tarantado.



Ang masakit lamang dito kay Congressman BALASUBAS, ito pa ang matapang kapag sinisingil ng kanyang mga kakontrata at kausap.

Pati ata bayad sa kanyang watchers noong halalan, masakit pa sa kanyang kalooban na bayaran.

‘Yung mga suppliers ng mga campaign paraphernalias na kanyang inutang, may puhunan’ yun na dapat maibalik.

Hindi na nga raw kumita, nasuba pa!

Kaya ikaw Congressman BALASUBAS, makarma ka sana, dalangin ng mga niloko mo!

May kasabihan tayong mga Pinoy na ganire;

“KAPATID NG SINUNGALING ANG MAGNANAKAW”!

Kaya hindi na tayo magtataka na ang congressman na ito ay magnakaw na rin sa puwesto pagdating ng araw.

Kung sabagay, ano pa nga ba ang inaantay at inaasahan ng mga nagoyong Batanguenos dito kay Congressman Balasubas?

“Pinangakuan na nga kayo, gusto nyo pang tuparin”!

Wala pong kapag-asa pag-asa ang inaasam n’yo mga kabayan.

Maghintay na lamang po kayo ng susunod na halalan three years from now at doon n’yo na ibulalas ang muhi at pagkabuwisit n’yo sa mambabatas n’yong BALASUBAS.

Madala na kayo at wag magpadala sa BOLADAS ng pindehong ‘yan!

Singkapal po ng suwelas ng sapatos ang pagmumukha ng ibinoto n’yong kongresista!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com