Advertisers

Advertisers

MAPAYAPANG PAGPALIT

0 375

Advertisers

TATLONG araw na lang ang nalalabi at dahil siya ang president-select, tutungtong si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas. Kapansin-pansin dito na nauna ang panunumpa bilang ikalawang-pangulo, si Sara Zimmerman Duterte-Carpio na sumumpa sa panunungkulan noong Hunyo 19, 2022 sa lungsod ng Dabaw.

Ayon sa Saligang-Batas, ang termino ng pangulo at pangalawang pangulo ay magsisimula sa tanghali ng Hunyo 30, at magwawakas sa tanghali din ng Hunyo 30 makaraan ang anim na taon. Ito ay mahalagang bahagi ng mapayapang paglipat ng kapangyarihan.

Ayon din sa Wikipedia, ang mapayapang paglipat o pagpalit ng kapangyarihan ay mahalaga sa isang bansang demokratiko kung saan mapayapang pinuputong ang pamumuno ng pamahalaan sa bagong halal na mamumuno.



Sa Ingles: “A peaceful transition or transfer of power is a concept important to democratic governments in which the leadership of a government peacefully hands over control of government to a newly-elected leadership”.

Walang binabanggit ang Saligang-Batas sa tiyak na oras ng panunumpa. Hindi na siguro mahalaga yan.

Ang mahalaga ay ang panunungkulan ng pangulo at pangalawang pangulo ay magsisimula sa tanghali ng Hunyo 30. Samakatuwid, ang maagang panunumpa ni Inday Sara ay hindi mahalaga at walang saysay, kung titingnan ang nakasaad sa Saligang-Batas. Pero punahin natin at pulutan ng aral ang sinabi ni Antonio Montalvan III tungkol sa mga kaganapan. Hindi ko na isinalin sa Tagalog para hindi lumabnaw ang sustansya ng kanyang sinabi:

“The essence of an oath-taking is the peaceful transition of power. That’s why it is customarily done on the day one will hold that office. And the outgoing predecessor attends so that the transition will be witnessed by the people, from whom the power of the office emanates. It is a ritual that serves to reassure democracy. What exact purpose did it do to hold a separate oath taking? Assertion of her independence, they say. So where is unity? What is preposterous is that she won’t even be vice president officially until high noon of June 30. How much was the expense of such caprice? Surely it did not come with a free tab. And if she truly wanted to emphasize her Davao City nation-ness, she is not even the first vice president from Mindanao but only the third. As usual, the Dutertes never see the bigger picture in the scheme of things. The whim and fancy is archetypal Duterte family; so ready to bend the rules, and even the law to create their own. That’s not political will. That’s thuggery…”

May bigat ang sinabi ng kaibigan natin.



Matatandaan na noong nanumpa si Cory Aquino sa harap ng mahistrado Claudio Teehankee habang dumadaan ang bansa sa isang krisis bunga ng pandarayang naganap sa ilalim ng ama ng president-select. Dito maliwanag na natalo ang ama ng ating president-select, ngunit sa kalaunan ipinroklama. Ito ay humantong sa nagaganap na EDSA UNO, at alam natin ang kinahinatnan nito sa kalaunan.

Kung may nakatagong “hidden agenda” ang inuna na halos kalahating buwan na ang masasabi ko lang: “ABANGAN ANG COMING SOON…”

Kasihan nawa tayo ng Poong Kabunian.

***

Nakakabagabag ang binanggit ng pinili na incoming DOF Secretary Benjamin Diokno nang tanungin siya tungkol sa delinquent estate taxes ng pamilya ni president-select Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ani Diokno:

“I haven’t looked into that. I think kailan pa iyon, 40 years na iyan or 35 years in the ano. I think it is unfair to put the burden on me…”

Mawalang galang po Mr. Diokno.

Hindi mo pwedeng sabihin na ito ay “unfair” dahil saklaw ito sa responsibilidad ng pagiging Kalihim ng Departamento Ng Pananalapi kung saan, saklaw nito ang Kawanihan Ng Rentas Internas o BIR. Ang sinabi mo ay napaka iresponsable at taliwas sa sinusumpaan mong panunungkulan.

Huwag tayo magpaliguy-ligoy; bilang itinalagang kalihim ng pamahalaan, ang katapatan mo ay hindi kailanman sa nagluklok sa iyong pulitiko.

Iklian natin: ANG KATAPATAN MO AY SA TAUMBAYAN, HINDI SA IYONG PRESIDENT-SELECT. Umayos ka.

***

Mga Harbat Sa Lambat: “Walang kongkretong depinisyon ang pagiging ama ng tahanan. Deskripsiyon meron, ang wlang hanggang pagmamahal sa kanyang mga anak…”- Totoy Talastas

“Those who voted for Rodrigo Duterte because he had promised to murder people are the worst of men. They are no better than beasts, . The march of civilization has left them behind…” Roly Eclevia, journalist, netizen

“We won’t be accepted in Heaven. Let’s be frank. So I will just bring you to Hell and do not be afraid, I will wait for you there…” – Rodrigo Duterte

***

Fun Factoid daghang salamat kay Andrew Chester Ong sa nenok: “French Haute couture and Pret-a-porter fashion designer Jean-Paul Gaultier, as a young designer was working for Pierre Cardin, He was assigned to manage Cardin’s boutique in Manila in 1974. Imelda Marcos was one of his clients and found himself on a “No Leave” list and had to pretend to have a family emergency in order to leave, He never returned…”

***

mackoyv@gmail.com