Advertisers
Ni WALLY PERALTA
PAGDATING sa kanyang lovelife ay hindi palapatol ang lead actor ng pantaseryeng ‘Lolong’ na si Ruru Madrid.
Bibihira lang siya mag-open tungkol sa kanyang lovelife kadalasan ay ‘no comment’ na lang si Ruru. Magkaganunpaman, pagdating sa relasyon nila ni Bianca Umali ay tila wala man pag-amin sa dalawa ay ‘what you see is what you get’ na lang ang drama ng dalawa. At dahil sa may ipalalabas na seryeng bida na mismo si Ruru ay napasagot siya sa katanungan kung bakit super iwas sila ni Bianca sa pag-amin ng kanilang tunay na relasyon.
“It’s hard, sobra, sobrang hirap. Kasi totoo ‘yung sinasabi ng mga tao na bawat, kaunting kibot mo, may masasabi at masasabi sila. “It’s not that gusto naming ilihim ito sa mga tao. But sometimes, ito na lang ‘yung natitirang bagay for me na mako-consider ko na sa akin lang,” sabi ni Ruru.
Kung pinagbago si Ruru ng kanyang dating gawi sa pakikipagrelasyon kay Bianca, ganun din ang pagbabago sa pagkatao niya nang gawin ang “Lolong” na magsisimula nang mapanood sa July 4, sa Kapuso Network. Dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan bago matapos tuluyan ang taping ng kanyang serye ay natuto raw si Ruru na maging mapagkumbaba, feeling niya ay ‘pinalo’ siya ng kanyang serye.
“Palo rin siya sa akin eh na lumaki ang ulo ko. When I was doing ‘Encantadia’ I felt na wala nang makakapigil sa akin. Everyone was saying na ‘You’re gonna be the next Dingdong Dantes.’ Feeling ko kasi noong mga panahon na iyon, lahat nabigay sa akin. ‘Yung mga pangarap ko dati, sabay-sabay siyang nangyari sa isang moment,” dagdag pang say ni Ruru.
***
KARIR kung karir ang drama ni Cristine Reyes nang tanggapin ang alok na lumabas bilang batang Sen.Imee Marcos sa biopic movie na “Maid In Malacanang” na ang istorya ay halaw sa last 72 hours of the Marcoses in the Palace before they were forced to leave the country going to Hawaii. Inamin ni Cristine na sadyang nalagay siya sa isang sitwasyon na tila na-pressure siyang gagawin dahil na rin sa kanyang karakter.
“Ang bigat ng bitbit ko at nu’ng binasa ko ‘yung script talagang minamadali ko ‘yung handler ko, ‘please, please ibigay n’yo na ang script sa akin kasi hindi biro ‘tong gagawin ko, eh,” say ni Cristine.
Bilang isang propesyonal ay nais ni Cristine na lumabas na makatotohanan ang kanyang role kaya pinag-aralan niya ang kilos at facial expression ng aura ni Sen. Imee
“Gusto ko talagang ma-settle na ito at nu’ng na-meet ko si Senator Imee Marcos talagang tahimik lang ako at pinagmamasdan ko siya, bawa’t kilos niya, bawa’t salita niya paano ba siya ‘yung rolling ng eyes niya, ay meron din pala siyang ganu’n okay gagawin ko ‘yun,” dagdag pang say ni Cristine.