Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SUMABAK sa question and answer portion ng kanyang vlog ang tinaguriang Boy Bastos na si Wilbert Ross.
Sa segment na Boy Guilty or Boy Not Guilty, sinagot niya ang ilang personal na mga bagay sa kanyang buhay.
Sa tanong kung nagpa-cool na ba siya para magpa-impress sa isang girl o nagpa-sad para makuha ang atensyon nito, aminadong guilty sa aspetong ito si Wilbert.
Sa question naman kung nanonood siya ng porn dahil tigang siya ngayon at loveless, aniya, guilty daw siya sa aspetong ito.
Minsan daw kasi, hindi lang sapat ang imahinasyon para sa sariling sikap kaya need din ang mag-explore tungkol sa human anatomy, sey niya na may halong pagbibiro.
Guilty siya sa aspetong naging third party na siya sa isang relasyon at nahalikan na niya ang isang babaeng wala namang label ang relasyon sa kanya.
Umamin din siyang nakatanggap na ng indecent proposals mula sa mga taong hindi niya kilala sa Instagram, messenger at sa iba pa niyang social media platforms.
Medyo na-curious lang daw siya sa mga proposals ng mga ito lalo pa’t may nagtatanong sa kanya kung magkano ang one-night stand na kapiling siya.
Gayunpaman, never daw naman siyang pumatol sa isa man sa mga ito.
Guilty din daw siya sa aspetong nag-send siya ng nude photos dahil request daw ito noon ng kanyang ex.
Never daw naman niyang bet ang kinky sex na nagpa-posas o pinosasan niya ang kanyang sexual partner.
Hindi naman siya pumalag sa tanong kung nakipagbalikan na siya sa kanyang ex before.
Aminado naman siyang nakapag-open up sa kanyang mga kaibigan tungkol sa ginawa nila ng sexual partner pero sa okasyon daw itong sighted lamang sila ng kanyang mga ka-close na may resibo.
Hindi pa rin daw nangyari sa kanya na pinatos niya ang kapatid ng kanyang kaibigan.
Gumamit na rin daw siya ng dating app noon out of curiosity.
Not guilty naman siya sa tanong kung nasubukan na niyang maghubad sa harap ng kapwa lalake.