Advertisers

Advertisers

Bagitong miyembro ng 19th Congress, ano ang gagawin?

0 314

Advertisers

UMABOT yata sa 124 bagitong kongresista ang kasapi ngayon ng 19th Congress, makaraan ang 2022 Presidential and National elections nitong Mayo 9, 2022.

Hindi kaila na karamihan sa kanila ang nagmula sa politikong pamilya. ‘Ika nga, matatag ang pangalan, walang makatatalo o walang gustong lumaban.

Mayroon sa kanila ang pinalad na nanalo at mayroon din syempreng mga minalas na natalo lalo na’t incumbent congressman sa isang distrito.



‘Wag na natin silang pangalanan dahil baka mas lalong sumama ang kanilang kalooban, hehehe.

At syempre, hindi rin naman kaila sa atin na umiiral pa rin ang tinatawag na “dynasty” o yung isang pamilya na nakaupo sa iba’t ibang posisyon sa lokal na pamahalaan, mayor, vice mayor, governor, congressman, congresswoman, councilor at pati na yata barangay kagawad sinakop na nila.

But wait, there’s more. Yun nga palang ilang partylists na kontrolado rin ng isang angkan ng politiko na nakakuha ng posisyon sa Kongreso.

Ilan sa kanila si Agimat partylist Rep. Jolo Revilla na anak nina Senator Bong Revilla at Cavite’s 2nd district Rep. Lani Mercado. Tutok to win partylist Rep. Sam Verzosa na ikinampanya ng sikat na TV show host na si Willy Revillame.

An Waray partylist na kontrolado ni Congressman Bem Noel, Malabon City 2nd District Congresswoman naman ang kanyang asawang si Rep. Jaye Lacson-Noel at first termer Councilor-elect ang anak nilang si Nino Lacson-Noel ng unang distrito ng Malabon City.



At eto ang pinaka-bigatin sa kanilang lahat. Ang Tulfo family sa pangunguna ni Senator-elect Rafael “Raffy” Tulfo, ACT-CIS (The Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support) partylist Rep. Jocelyn Tulfo, Quezon City’s second district Rep. Ralph Wendel Tulfo at may bonus pa, si incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo

Ilan lamang ang mga ito na kumopo ng posisyon sa nakaraang halalan.

Sa mga nanalong kongresista mula sa kani-kanilang distrito at partylist, ano ang kanilang pangunahing agenda para mas lalong makatulong na mai-angat ang ekonomiya ng ating bansa?

Bagamat distrito at sektor ang kanilang kinakatawan, ang mga ito ang babalangkas ng mga batas para sa kabuuan ng ating lipunan. Sila kaya’y magiging “korap” o “pasaway” ngayong hahawak sila ng maselang papel upang hubugin ang ating bansa para sa mas maunlad na Pilipinas?

Maging tapat nawa sila sa kanilang bagong tungkulin bilang mga mambabatas. Tulungan si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga priority projects nito kabilang na ang muling pagbangon ng bansa mula sa hamon ng pandemiya at banta ng kalamidad.

‘Ika nga, trabahong kongreso lang, walang personalan!

Isang magandang halimbawa dito si Northern Samar Rep. Paul Ruiz Daza, anak ni dating House Deputy Speaker Raul Daza principal author ng Republic Act 11421, “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act,” na hindi kabilang sa legislative priority bills nitong nakaraang 18th Congress.

Sa dinami-rami ng mga proposed measures na isinusulong sa Kongreso, nagawa ni Rep. Daza na maipaliwanag ang panukalang batas na kanyang isinusulong, malinaw na naipaliwanag nya ito sa mga committee hearings at higit sa lahat sa plenary debates.

Sa kanyang ikalawang termino sa Kongreso, isusulong ni Rep. Daza ang ilang proposed measures gaya ng “An Act Enforcing Child Support And Penalizing The Refusal Or Failure To Support A Child,” an Act Esatablishing A Zero Spectrum User Fee Policy for Philippine Telecommunications Entities Using Wi-Fi Frequency Bands or Spectrum,” at “an Act postponing The December 2022 Barangay ang Sanguniang Kabataan Elections to December 1, 2023, Amending For The Purpose Republic Act No. 914, as Amended By Republic Act No. 9340, Republic Act No. 10632, Republic Act No. 10656, Republic Act No. 11462, And For Other Purposes.”

Kamakailan, sumalang ang 30 na mga bagong miyembro ng 19th Congress para sa 1st batch ng 3-day Executive Course on Legislation sa House of Representatives. Pinangunahan ito ni Associate Professor Dr. Enrico Basilio ng UP-National College of Public Administration and Governance o UP-NCPAG bilang lecturer.

Ilan sa mga na-interview ng House accredited media si JC Abalos kinatawan ng 4Ps partylist na ayon sa kanya, malaking bagay na sumalang sila sa seminar lalo na para sa kanilang mga first timers. Isusulong ni Abalos ang kapakanan ng edkasyon, agrikultura at kalusugan para sa mga informal sectors.

Para naman kay Manila 1st district Rep. Ernesto Dionisio, very informative at marami silang natutunan upang lalo nilang maunawan paano mas makatutulong maibangon ang ekonomiya ng bansa. Sa kanyang pet bill, tututukan ni Dionisio ang proyektong pabahay.