Advertisers
SA kanyang bagong panunungkulan bilang elected Mayor ng Muntinlupa City ay ipagpapatuloy nito ang ‘good governance’ na sinimulan noong nakaraang administrasyon.
Ito ang tahasang sinabi ni Mayor Ruffy Biazon kasama ang 1Muntinlupa party members matapos ang Oathtaking Ceremony na ginanap sa Filinvest Tent,Alabang, Muntinlupa City.
Ang 1Muntinlupa party ang nag-iisang COMELEC-registered local party sa lungsod ng Muntinlupa na mayroong ‘principles and platform’ ng gobyerno tungo sa ikauunlad nito.
Kasama ni Biazon sa inauguration ceremony sina Congressman Jaime Fresnedi at Vice Mayor Artemio Simundac.
Ang mga nahalal na Councilors sa District 1 ay kinabibilangan nina Rachel Arciaga, Ivee Arciaga-Tadefa, Paty Katy Boncayao, Allan Aman Camilon, Atty. Raul Corro, Alexson Diaz, Valentino Niefes at Jedi Presnedi.
Sa District 2 naman ay nanumpa din sa kanilang tungkulin bilang Councilors sina Lester Baes, Ryan Bagatsing, Luvi Constantino, Arlene Hilapo, Eliot Martinez, Dado Moldez, Marissa Rongavilla at Jun Mertong Sevilla.
Ang butihing Alkalde at local officlas ay nanumpa sa harap ni Muntinlupa City Executive Judge Myra Quiambao.
Nangako si Biazon na ipagpapatuloy nito ang magandang serbisyo at pamamalakad ni outgoing Mayor Fresnedi na naging matibay na pundasyon noong siya ay nanungkulan ng mahabang panahon sa lungsod ng Muntinlupa.
“ Together, in this transition, we are putting into place political reforms that we hope future public servants will also advocate and pursue. Through this initiative, we aim to leave behind the updated,obsolete and overdue brand style of politics and replace it with one that exemplifies professionalism, principle and proactivity”. Ani Biazon
Isusulong din ng One Muntinlupa administration ang 7K Agenda ( Katarungan, Karunungan, Kalusugan,Kaunlaran,Kapayapaan,Kaayusan,Kabuhayan at Kalikasan ) bilang tugon sa pandemic recovery.
Kaugnay nito, naipasa ni Biazon sa Kongreso ang 933 bills at 275 resolutions bilang principal author noong siya ay lone Representative sa Muntinlupa City kung saan ay 82 sa mga naipasa dito ay naisabatas na ng gobyerno.(JOJO SADIWA)