Advertisers

Advertisers

BOOSTER SHOT SA MGA BATA IPINAGPIPILITAN?

0 814

Advertisers

Kahapon ng tanghali nagtapos ang termino ng DUTERTE ADMINISTRATION.., pero may sektor na IPINAGPIPILITANG mabigyan ng BOOSTER SHOT ang mga edad 12 Hanggang 17 bilang paghahanda sa FACE-TO- FACE CLASSES sa Agosto.

Pangunahing nangungumbinsi sa BOOSTER SHOT para sa nasabing mga edad ng kabataan ay si DUTERTE ADMINISTRATION PRESIDENTIAL ADVISER FOR ENTREPRENEURSHIP JOEY CONCEPCION.., na ito ay makatutulong daw sa pagpapanatili ng level of immunity sa ating bansa

Ipinunto ni CONCEPCION na ang efficacy o bisa ng paunang COVID-19 VACCINES ay HUMINA na “as early as four months,” at ang indibidwal na nasa edad 12 hanggang 17 na karamihan ay estudyante ay dapat lamang daw na makakuha ng “EXTRA PROTECTION” sa virus dahil sa napipintong pagpapatuloy ng in-person classes.



Teka.., uma-ARYA na naman ang estratehiya dahil marami pa yatang mga pambakuna ang nasa imbakan pa rin.., Kasi nga halos kakaunti na lamang ang mga taong pumapayag na maging bahagi ang kanilang katawan sa ginagawang EXPERIMENTATION ng mga nalikhang pambakuna.., siyempre, kung di magagamit e masasayang lang ang PERANG IPINAMPUHUNAN sa pagkuha ng gobyerno sa nasabing mga pambakuna.

Ang sitwasyon ngayon.., kung ating aanalisahin tulad kahapon sa naging seremonya sa opisyal na panunumpa ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR bilang ika-17th PHILIPPINE PRESIDENT ay wala ngang suot na face mask silang magpapamilya.., na indikasyong hindi na inaalintana ng BBM FAMILY ang COVID-19 tulad sa ipinaiiral ng CEBU GOVERNMENT sa pangunguna ni GOVERNOR GWEN GARCIA na ang FACE MASK ay OPTIONAL na lamang.. ika nga.., kung nasa open area ay nasa tao na lamang kung gustong magsuot o hindi ng face mask.

Dapat, ang mga dating opisyal ng DUTERTE ADMINISTRATION ay huwag nang magpairal pa ng kanilang mga kagustihan… ipaubaya nila ang mga pagpapasiya sa mga bagong opisyal ngayon na itinalaga at pinagkatiwalaan ni PRES. BONGBONG MARCOS!

***

DEPED OFFICIALS NANGANGAMBA SA CURFEW CONNECTIONS!



Bukas, July 1, 2022 ay opisyal nang pangangasiwaan ni VICE-PRESIDENT SARA DUTERTE ang DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED).., pero ilang opisyal ng naturang ahensiya ay NANGANGAMBA na mamanipolyo ng maimpluwensiyang CURFEW CONNECTIONS ang iba’t ibang proyekto sa aspeto ng edukasyon.

Ang CURFEW CONNECTIONS ay matibay na pader daw ang sinasandalan nito dahil bukod sa isinasangkalang “MALAKAS” ang mga ito sa MALACAÑANG ay IMPLUWENSIYADO rin ng mga ito ang SILID-KATARUNGAN.., kaya, ang kanilang mga nadadale ay hindi nagkakalakas ng loob na maghabla dahil maibabasura lamang daw ng kanilang mga koneksiyon.

Saludo at hanga raw ang ilang mga DEPED OFFICIAL kina OUTGOING PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at INCOMING VICE-PRESIDENT SARA DUTERTE dahil sa kampanya ng mga ito laban sa ILLEGAL DRUGS at CORRUPTIONS.., subalit may mga nakapaligid sa kanila na nagsisilbing mga ANAY na kumukutkot ng mga mapagkakaperahan.

Hiling ng ilang mga DEPED OFFICIAL kay INCOMING EDUCATION SECRETARY/VP SARA DUTERTE na maging bukas ito sa hinaing ng mga empleyado at walang SANITARY CORDON o taga-harang ng mga sumbong o reklamo lalo na sa aspeto ng mga proyekto upang masupil ang anumang mga pagtatangka ng kurapsiyon.

Anila may mga nakapaligid kay VP SARA na lingid sa kaalaman nito ay lihim na nagagamit ang kaniyang pangalan sa mga illegal na transaksiyon lalo pa’t may koneksiyon din daw sa mga BIG TIME SMUGGLER ang mga tinaguriang CURFEW CONNECTIONS.., na anila’y posibleng maging kasapakat sa mga darating na panahon para sa mga proyektong ilulunsad sa kanilang ahensiya.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.