Advertisers

Advertisers

May Pag-Asa kay Bongbong Marcos

0 247

Advertisers

Hope is being able to see that there is light despite all of the darkness. — South African theologian Desmond Tutu

Marami mang kahaharaping hamon sa kanyang pag-upo bilang ika-17 pangulo ng Republika ng Pilipinas, lubos ang pananalig ng sambayanang Pilipino na kayang igiya ni dating senador at bagong punong ehekutibo Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (BBM) ang bansa para sa pag-unlad nito.

Bukod sa patuloy na epekto ng nagpapatuloy na pandemya ng coronavirus, ang pagtaas ng mga bilihin, paglobo ng presyo ng produktong petrolyo, malaking pagkakautang ng bansa at ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar ang ilan lamang sa kahaharaping suliranin ng anak ng yumaong dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. sa kanyang opisyal na panunungkulan simula ngayon araw ng Huwebes, Hunyo 30.



At ito ay ilan lamang sa usaping malapit sa sikmura ng bawat Pilipino na kailangang bigyang pansin at dapat tutukan ng administrasyon ng bagong pangulo.

May mga babala pa ng krisis sa pagkain, gaya ng babala ng United Nations at mga pandaigdigan ekonomista, dahil na rin sa masamang epekto ng giyera sa Ukraine na nagbunsod ng pagtaas ng presyo ng langis at kakulangan ng supply ng pagkain, parikular na ang trigo na mahalaga sa produksyon ng agrikultura.

Sa kabila naman nito, kumpiyansa ang mamayang Pilipino na lahat ng mga ito ay jayang tugunan ng liderato ni BBM.

Nauna nang inihayag ni Marcos na nagdesisyon siyang pangunahan muna ang pamamahala ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa unang buwan ng kanyang panunungkulan sanhi ng mga ulat ng korapsyon at iregularidad sa ahensya, bukod sa mga pagkukulang nito sa pagpapatupad ng polisiya at programa para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura.

Kabilang din sa mga ipinangako ng bagong pangulo ang pagpapababa ng presyo ng bigas na pangunahing source ng pakain ng milyun-milyong Pilipino.



Bukod pa rito, bais din ni Marcos na tiyaking matitigil na ang talamak na iligal na pag-angkat ng gulay sa bansa na siyang nakaaapekto sa kinikita ng ating mga magsasaka.

Sa gitna ng lahat ng mga ito, umusbong sa dibdib ng mamayan ngayon ang pag-asa ng pagbabago at pag-unlad at into ma ngayon ang daoat aksyunan at pagyamanin ng ating mahal na pangulo.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!