Advertisers

Advertisers

Mayor Abalos, Cong. Gonzalez di Nakadalo sa Oath-Taking Ceremony ng Mandaluyong LGU dahil nagpositibo sa COVID

0 261

Advertisers

Hindi naging hadlang sa mga halal na opisyal ng Mandaluyong City Government para hindi matuloy ang Oath-Taking Ceremony na ginanap kamakalawa matapos na magpositibo sa COVID-19 mga Ka Usapang HAUZ ang dalawa sa masasabing haligi sa tinatamasang patuloy sa pagunlad ng lungsod.

Marami ang nanghihinayang at nalungkot ng ianunsiyo na hindi makadadalo sa gagawing panunumpa sa kani-kanilang tungkulin sina dating Comelec Chairman Benjamin Abalos Sr at ngayon ay balik Alkalde ng Siyudad maging si Congressman Boyet Gonzales dahil sa nagpositibo sa COVID.

Pero ang lungkot ng mga taga Mandaluyong mga Ka Usapang HAUZ na hindi nila makikita ng personal at mabati ang siyang ugat ng pag boom ng lungsod ay naibsan ng ianunsiyo na tuloy ang gagawing panunumpa ng bagong halalal na mayor sa pamamagitan ng Zoom mula sa kanilang tahanan sa Brgy Hi-way Hills.



Palakpakan at hiyawan ng simulang lumabas sa big screen ang muling nagbabalik na mayor Abalos Sr at naging natahimik lang ng simulan na ni Supreme Court Justice Rodil Salameda ang pag-gawad ng panunumpa sa dating comelec chairman bilang Alkalde ng lungsod.

Sa ginawang maikling mensahe ni Abalos sa kanyang mga constituents mga Ka Usapang HAUZ, una humihinge ito ng paumanhin sa hindi nito pagdalo ng personal sa Oath-Taking Ceremony dahil sa kanyang kalagayan at bilang pagtalima sa health protocol, mariin ring nagbilin ang alkalde na huwag magalala at siya ay super lakas at mahaba pang panahon ang pagsasamahan natin.

Pabiro pang sinabi ng Alkalde sa big screen na “yung mga mababait lang ang unang kinukuha ni Lord huwag po kayong magalala ako po’y super lakas ewan ko nga ba sa covid na ito” ibinahagi rin ni Abalos Sr. ang mga karanasan niya ng una siyang maglingkod bilang Alkalde ng nuo’y Munisipyo pa, pag sinabing taga Mandaluyong ka ang kasunod nito sa loob o sa labas kaya’t sa ating pagsisikap kasabay ng walang tigil sa pagunlad ng ating lungsod burado na yun.

Sa huli nagpasalamat ang bagong alkalde sa kanyang mga taga suporta kaibigan, kamag-anak at higit sa lahat sa kanyang pamilya kay incoming DILG Secretary Benhur Abalos Jr. kay Vice Mayor Menchie Abalos at sa bumubuo ng konseho, ang matindi pa nito mga Ka Usapang HAUZ ng mabanggit ang kanyang pinakamamahal na kabiyak na namayapa na ay hindi naiwasang maluha dahil na rin siguro sa muling paggunita sa magagandang alaala.

Samantala mga Ka Usapang HAUZ hindi rin nakadalo sa Oath-Taking Ceremony si Mandaluyong City Congressman Neptali “Boyet” Gonzales dahil na rin sa pag-positibo nito sa COVID-19 maging ang kanyang pamilya kaya mas minabuti nitong manumpa ng kanyang tungkulin ng esklusibo.



Bukod sa panunumpa ng mga bagong halal na konsehal ng lungsod mula distrito 1 at distrito 2 ay isinagawa na rin sa Oath-Taking Ceremony ng Mandaluyong LGU ang panunumpa ng mga kinatawan sa kongreso ng 4P’s Party List na kinabubilangan ni 1st nominee Cong. Marcelino Libanan at 2nd nominee Cong. Jonathan “JC” Abalos sa harap ni SC Justice Ricardo Rosario.

Masayang masaya naman mga Ka Usapang HAUZ sa pagtatapos ng kanyang termino bilang Alkalde ng Mandaluyong City ang bagong halalal na Vice Mayor Menchie Abalos na nanumpa rin sa harap ni SC Justice Rodil Salameda at kanyang mga taga suporta, Sa kanyang talumpati nais niyang magpasalamat sa lahat ng kanyang nakasama sa loob ng 9 na taong paglilingkod sa lungsod ng Mandaluyong, mga konsehal, kapitan ng brgy at iba pa, pero higit sa lahat na aking pasasalamatan ay ang James Reid ng aking buhay walang iba kundi si incoming DILG Secretary Benhur Abalos ang aking mahal.

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036