Advertisers

Advertisers

Nasa mga kamay na ni BBM ang kapalaran ng Pilipinas

0 366

Advertisers

PORMAL nang nanumpa nitong Huwebes si Bongbong Marcos Jr. bilang ika-17 Presidente ng Pilipinas.

Si BBM, tawag sa kanya ng higit 31 milyong Pinoy na naglagay sa kanya sa kapangyarihan, ay anak ni late President Ferdinand Marcos, Sr.

Si BBM ang ikatlong anak ng isang dating presidente na naging pangulo rin ng Pilipinas. Una ay si Gloria Macapagal-Arroyo na anak ni Diosdado Macapagal, sumunod si Noynoy Aquino na anak ni Cory Aquino.



Ang pamilya Marcos ay nakabalik sa Malakanyang after 36 years nang sila’y patalsikin ng People’s Power noong 1986 na pinamunuan ng mga dati ring opisyal ni Marcos Sr. na sina noo’y Defense Secretary Juan Ponce Enrile at noo’y PC-INP Chief/ex-President Fidel V. Ramos.

Si Enrile, 98 anyos ngayon, ay kinuha uli ni BBM sa kanyang gabinete bilang Chief Legal Counsel.

Ngayong nakabalik na sa Palasyo ang pamilya Marcos, sa suporta narin ng mga dating pangulo ng bansa na sina Gloria Arroyo, Erap Estrada at nitong kanyang pinalitan na si Rody Duterte, nasa kanyang mga kamay na ang “command” para pamunuan ang higit 110 milyong Pinoy kungsaan higit 31 milyon rito ang naghalal sa kanya, na ngayon ay nahaharap sa malaking problemang dulot ng pandemya sa Covid-19, pagtaas ng mga pangunahing bilihin dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga produkto ng petrolyo, kakapusan sa agricultural products, grabeng korapsyon, talamak na iligal na droga, at napakalaking utang ng bansa (halos P13 trillion) na iniwan ng Duterte administration.

Sa mga naunang interview ng media kay PBBM, sinabi niyang kinalimutan na nila ang mga nagtaksil sa kanila noon at wala siyang pakialaman sa korapsyon ng mga nakaraang administrasyon, ang pokus niya ngayon ay sa kanyang administrasyon.

“I’m here not to talk about the past. I am here to tell you about our future. A future of sufficiency even plenty of readily available ways and means to get done what needs doing by you, by me. We do not look back, but ahead,” say ni PBBM.



Unang tututukan ni PBBM ang malaking problema sa sektor ng agrikultura. Kaya pamumunuan niya muna ito para matupad ang kanyang “aspiration” na gawing P20 ang kada kilo ng bigas na siyang binanggit niya noong nangangampanya siya.

Ang economic managers ni PBBM ay binubuo ng mga dating gabinete ng mga nakaraang administrasyon. May malawak nang karanasan ang mga ito. Pero dapat ay mga bagong ideya naman ang kanilang iaplay. Dahil kung ganun parin ang kanilang gagamiting pormula para mapalago ang ekonomiya ng bansa, aba’y walang mababago. Mismo!

Well, goodluck sa Marcos Jr. administration. God bless Pilipinas… Mabuhay!!!

***

All eyes din ngayon sa VP ni PBBM na si “Inday” Sara Duterte-Carpio, anak ni ex-Pres. Rody Duterte.

Si VP Sara ay binigyan kaagad ng posisyon sa gabinete ni PBBM bilang Kaliham ng Edukasyon.

Dapat magpakitang gilas dito si VP Sara kung pangarap niya ring maging lider ng bansa sa 2028, kungsaan inaasahang maraming matitikas na batang tatakbo.

Goodluck, Inday Sara…