Advertisers

Advertisers

Andrea natuklasang may sakit, nawalan ng pang-amoy

0 247

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALANG kiyeme na sinabi ni Bea Alonzo na handa itong humarap sa ex dyowa na si Gerald Anderson.
If ever nga raw na magkrus ng landas sila muli ay handa naman itong makiharap kay Gerald.
Pero never daw nitong babatiin o magse-say ‘hello’ sa kanyang ex kung sakaling magkatagpo sila.
Puwede nga raw itong makipag-eye to eye at matabang ang aktres na makipagtitigan sakaling magkita sila muli ng di sinasadya.
Kaya nga raw humarap ni Bea kay Gerald dahil wala itong masamang ginawa.
Kumbaga, wala itong bitbit na bigat sa kanyang kunsensya dahil wala anya siyang naging kasalanan sa kanilang relasyon
Matatandaan na nagkaroon ng isyung ghosting sa pagitan nina Bea at Gerald.
***
UMAMIN si Andrea Brillantes sa vlog ni Karen Davila at may inamin ito na ikina-shock ng TV host.
Isang pambihirang sakit daw ang nasuri sa teen actress.
Nalaman ng doktor na meron itong Congenital Anosmia.
Ano bang klaseng karamdaman yan?, tanong ni Karen.
Sagot ni Andrea, ito nga raw na diagnosed sa kanya ay sakit na di ito nakakaamoy.
Kahit nga raw ututan siya ay never daw nito maaamoy.
As in, wala itong naaamoy at kahit nga ang kanyang ate na mahilig sa pabango ay never daw nitong naaamoy kahit spray-an siya.
Kahit sa dyowa ay tinatanong kung anong amoy nung pabango.
Kahit nga panlasa ay never din daw nito masabi sa mga natitikman ng iba.
Kaya nga raw madalas na maasim ang kinakain ni Andrea.
Umaasa si Andrea na maagapan at magbalik ang pang amoy ng batang aktres.
Well, well, well…’Yun na!