Advertisers

Advertisers

Sanya wish na mapangasawa na ang 1st dyowa; Nadine babu na sa pa-tweetums na role

0 287

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

IPINANGALANDAKAN ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na NBSB o No Boypren Since Birth pa ang byuti niya, as in never pa niyang naranasan na magkaroon ng karelasyon simula palang noong bata pa siya.
Girlfriend material naman si Sanya, maraming suitors, maganda at mapagmahal na anak at kapatid. Kaya nga ba sa pinakahuling panayam kay Sanya hinggil sa kanyang lovelife, kung sakali man na magkaboypren siya, titiyakin niya raw na yung guy na sasagutin ang magiging first boypren niya at magiging mister na, as in mapapangasawa na ang hanap ni Sanya hindi na boypren lang.
“Lagi kong pinagpe-pray na ‘Lord kung sino man ‘yung ibibigay mo sa akin, sana siya na. Sana hindi ‘yung tipong kailangan ko pang masaktan. Tsaka sana hindi lang ‘yung pang-girlfriend lang ang tingin niya. Gusto ko kasi, ‘pag kasi may nanliligaw sa akin, tinitingnan ko siya hindi pang-boyfriend lang eh. Like, ‘Puwede kaya siya in the future? Baka rin siya na,’” say ni Sanya.
Kaya nga biro ng isa sa showbiz friend ni Sanya na si Glaiza de Castro, kung saan naging close ang dalawa sa ‘Encantadia’ kasama sina Gabbi Garcia at Kylie Padilla, na ngayon ay happily married na ay payag daw siyang maging fairygodmother ni Sanya at bigyan siya ng magiging boypren tuloy magiging hubby na rin.
“Alam mo ‘yun? May tao na talagang magmamalasakit sa kanya, may tao talaga na mamahalin siya kung sino siya, hindi dahil siya si Sanya Lopez, kundi dahil siya si Shai,” say ni Glaiza.
***
AFTER na manibago ang mga supporter ni Nadine Lustre sa kanyang movie na “Greed” na talagang deglamorize ang kanyang byuti. Mukhang kakaririn na talaga ni Nadine ang lumabas sa mga movies na hindi na pa-tweetums dahil sa next movie niya na ginawa under Viva Films ay kakaibang Nadine naman ang mapapanood ng kanyang mga folower, ang “Deleter” kasama sina Louise de los Reyes at McCoy de Leon, written and directed by Mikhail Red na mapapanood sa halos lahat ng sinehan sa bansa this coming August.
Si Nadine ay gumanap bilang si Lyra na sa unang tingin ay kalmadong babe pero sa likod ng kanyang pagiging ‘tahimik’ na dalaga ay may isang traumatic experience na nangyari kay Lyra noong kabataan niya na naging witness siya sa pagpaslang ng tatay niya sa kanyang nanay.
“This is my first psychological horror film and I really look forward to doing films na nakaka-challenge sa akin as an actress. It’s also my first time to work with a young and talented director like Direk Mikhail.
I don’t like horror films na puro jump scares lang at gugulatin ka. Mas nae-enjoy ko kapag malalim yung kuwento, na after a few days, pinag-iisip ka pa rin, like this one na at first, hindi mo alam, if what’s happening is all in the mind of my character, Lyra, or nangyayari ba talaga,” saad ni Nadine.