Advertisers

Advertisers

Tina Salak bagong head coach ng FEU

0 236

Advertisers

BALIK sa Morayta si Tina Salak matapos kunin bilang bagong head coach ng Far Eastern University women’s volleyball team.

Inanunsyo ng universidad kahapon Miyerkules na ang maalamat na setter ay inatasan na muling ibalik ang Lady Tamaraws sa tugatog ng tagumpay sa UAAP Season 85.

“Coach Tina brings a wealth of experience and championship pedigree as a player and a coach as she returns to her alma mater,” Wika ng iskol sa kanilang statement.



Papalitan ni Salak si George Pascua sa timon matapos malaglag ang FEU sa Final Four nakaraang UAAP Season 84, na nakadagit lang ng isang panalo sa 14 matches -pinakamasamang performance mula sa pinalamutian na programa.

Ang two-time UAAP champion,Salak ang Season MVP noong 1995 bago naglaro sa Southeast Asian Games at nahirang na Best Setter sa 2001 Kuala Lumpur SEA Games.

Naglaro rin si Salak sa Philippine Army, bago lumipat sa Cocolife sa Philippine Superliga mula 2017 to 2018 at pinakahuli sa Chery Tiggo sa 2021 Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Gumanap rin siyang head coach ng La Salle Zobel, at pinamunuan ang girls volleyball team sa UAAP juniors crown noong 2018.

Naging bahagi rin si Salak ng Philippine national women’s volleyball team coaching staff sa ilalim ni Jorge Edson Souza De Brito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">