Advertisers

Advertisers

MILYONG TRABAHO NALIKHA NG LUCKY 8 STAR QUEST!

0 299

Advertisers

Sa panahon ng pandemya ay malaki pala ang naging katulungan sa gobyerno ang LUCKY 8 STAR QUEST dahil halos dalawang milyong trabaho ang naipagkaloob sa mga nawalan ng pangkabuhayan.

Lingid sa kaalaman ng karamihan ay umaabot sa 1.8 million direct at indirect jobs ang nalikha ng LUCKY 8 STAR QUEST sa bansa sa loob lamang ng isa’t kalahating-taon ng kanilang operasyon.

Sa pamamagitan ng CORPORATE SOCIAL RESPONSIBILITY (CSR) arm ng LUCKY 8 STAR QUEST na PITMASTER FOUNDATION Inc. sa ilalim ng pamumuno ni CHARLIE “ATONG” ANG bilang CHAIRMAN, ay hindi lamang nakapaglikha ng milyun-milyung trabaho kundi nakapag-aambag din ito ng mahigit na P955 million sa iba’t-ibang programa kabilang na ang pagtugon sa Covid 19 at vaccination, mga gamit sa ospital at rehabilitasyon, disaster at hunger relief, livelihood assistance at iba pang programa.



Ang LUCKY 8 STAR QUEST ay kinilala rin bilang pinakamalaking taxpayer ng bansa dahil nakapag-remit ito sa gobyerno ng P2.6 billion.

Bukod sa paglikha ng milyun-milyong DIRECT at INDIRECT JOBS ng LUCKY 8 STAR QUEST, ang EXECUTIVE DIRECTOR ng FOUNDATION na si ATTY. CAROLINE CRUZ ang naging punong abala naman sa paglikha ng mga charity work sa mga komunidad at institutional partners.

Ang FOUNDATION ay isa sa pinakamalaking private sector na pinagmumulan ng medical at financial assistance na ipinagkakaloob sa mga mahihirap nating mamamayan

Nabatid pa kay ATTY. CRUZ, na umabot na sa 13,000 FILIPINOS ang natulungan ng foundation sa pamamagitan ng dialysis treatments na isa sa napakalaking pabigat sa bulsa ng pamilya na may pasyenteng may sakit sa kidney.., at nakapagbigay din ito ng pagkain sa may 350,000 pamilyang Filipino, na siyang labis na kailangan sa panahon ng COVID-19 pandemic lockdowns.

Inihayag naman ni ANG na ang layunin ng LUCKY 8 STAR QUEST at ng FOUNDATION ay makalikha ng hanapbuhay sa mga Filipino at ang makatuwang ang gobyerno, civil society, at iba pang partners upang magkaroon ng katuparan ang misyon nito na direkta at buong pagmamalasakit na pagtulong sa mga Filipino na higit na nangangailangan.



***

BAWAL ANG FIXER SA Q.C!

Sa lahat ng mga may transaksiyon sa QUEZON CITY GOVERNMENT ay mahigpit na binabalaan ang sinuman na BAWAL ang FIXER sa naturang lungsod.

Base sa Republic Act 11032 o mas kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang fixer ay mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Maaaring makulong hanggang anim na taon, magbayad ng multa mula P500,000 hanggang P2,000,000 depende sa magiging hatol ng korte.., at kung empleyado ng city hall o ng gobyerno, ay matatanggal sa trabaho at mapapatawan ng walang hanggang diskwalipikasyon sa serbisyo publiko.

Sa pamumuno ni QC MAYOR JOY BELMONTE ay patuloy ang kanilang pangasiwaan sa paggawa ng pamamaaraan para lalo pang pasimplehin at pabilisin ang pagkuha ng serbisyo sa lungsod. Karamihan sa mga serbisyong ito ay maaari nang kunin online.., ang pag-release gaya ng electricity permits, water connection permits, sign permits at iba pang ancillary permits ay ide-deliver ng pribadong courier services sa inyong bahay o opisina ng LIBRE!

May mga QC E-Services Kiosk na rin, kaya iwas na sa mahahabang pila at siksikan para sa pag-aapply ng mga permit mula sa Building Permit One Stop Shop, Business One Stop Shop, o aplikasyon sa Kalingang QC Para Sa Negosyo, Occupational Permit, Pangkabuhayang QC, QCitizen ID, QC Vax Easy, Real Property Tax Payment at Solo Parent Certificate renewal.

Kung inalok o nilapitan ng FIXER ay maaaring mag-file ng report sa People’s Corner ng QC Government website: https://quezoncity.gov.ph/peoples-corner/

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.