Advertisers

Advertisers

ARREST WARRANT SA DERMALOG EXECS BINAWI NG DOJ!

0 1,763

Advertisers

Hinarang ng DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) ang iniatas ng QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT (RTC) BRANCH 224 na ARREST WARRANT laban sa DERMALOG EXECUTIVES.., na inakusahan ng QUALIFIED THEFT ng kanilang local partner na VERZONTAL BUILDERS, INC. (VERZONTAL) sa QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE nitong nakaraang taon.

Sa naging kolum ng ARYA nitong June 9.., nag-ugat ang ARREST WARRANT sa ESTAFA CASE na isinampa laban sa DERMALOG ng kanilang local partner na VERZONTAL BUILDERS, INC. (VERZONTAL).., na base sa tala ay pumasok sa isang JOINT VENTURE AGREEMENT (JVA) ang dalawang kumpanya noong 2018.., na kasama ang HOLY FAMILY PLANNING CORP., at MICROGENESIS SOFTWARE., upang makilahok sa bidding para sa P3.19-billion DOTr ROAD TRANSPORTATION INFRASTRUCTURE PROJECT (LTO-Component A) na may kinalaman sa LAND TRANSPORTATION MANAGEMENT SYSTEM o (LTMS).

Nitong June 20, 2022 ay naglabas ng kautusang NON-BAILABLE ARREST WARRANTS si QCRTC BRANCH 224 PRESIDING JUDGE ZITA.MARIE MAGUNDAYAO ATIENZA-FAJARDO laban kina DERMALOG CHIEF EXECUTIVE OFFICER/MANAGING DIRECTOR GUNTHER MULL; PROJECT MANAGER MICHAEL SCHUTT; CHIEF FINANCIAL OFFICER RANDOLF SITZ; at PHILIPPINE REPRESENTATIVE LYNNE OCAMPO.



Gayunman, ang naturang ARREST WARRANT ay pinawalang bisa ng DOJ nitong July 21, 2022 na may lagda ni JUSTICE SECRETARY JESUS CRISPIN REMULLA.

“Wherefore, the instant petition for review is hereby GRANTED, and accordingly, the assailed resolution of the Office the City Prosecutor of Quezon City finding probable cause against respondents-appellants Gunther Mull, Randolf Sitz, Michel Schutt and Lourilyn T Ocampo, for the crime of qualified theft is hereby RESET and SET ASIDE.
The office of the City Prosecutor of Quezon City is DIRECTED to WITHDRAW for Information of the qualified theft filed in court against the said respondents-appellants, and let a report of the action taken thereon be made within 10 days after receipt of this Resolution,” bahagi ng nilalaman sa naging pasiya ng DOJ.

Ang DERMALOG ay ang dayuhang INFORMATION TECHNOLOGY (IT) CONTRACTOR ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) para sa IDENTIFICATIONS SYSTEM.., na ang DERMALOG at VERZONTAL ay nagkaroon ng JOINT ADVENTURE AGREEMENT noong 2018 para sa DOTr ROAD TRANSPORTATION INFRASTRUCTURE PROJECT (LTO-Component A) na may kinalaman sa LAND TRANSPORTATION MANAGEMENT SYSTEM o (LTMS).., subalit hindi raw tinapos ng VERZONTAL ang nasabing Civil Works!

***

TRABAHO PARA SA MGA DATING ADIK



Masuwerte ang mga CAINTEÑO na matapos malulong sa pagiging DRUG USER ay napagtutuunan ng pamahalaang lokal ng CAINTA, RIZAL na mabigyan ng trabaho bilang solusyon upang tuluyang makapagpanibagong-buhay ang mga dating nalihis ng landas dahil sa mga bisyo.

Nitong nakaraang Martes ang PAMAMARISAN-RIZAL (PAsig, MArikina, MAndaluyong, SAN Juan) na kinabibilangan ng inyong lingkod ay nag-courtesy call sa tanggapan ni CAINTA MAYOR ELLEN NIETO at Isa sa napag-usapan ay ang illegal drug situation sa kanilang bayan.

Inihayag ni CAINTA MAYOR NIETO na kailangan ay ang gobyerno na rin ang magbigay ng pagkakataon upang tuluyang makapagbagong-buhay ang isang indibiduwal na nalulong sa paggamit ng illegal drugs na sumailalim na sa drug rehabilitation program.

Ang pahayag na ito ni MAYORA NIETO ay bunsod sa may 5-katao sa kanilang bayan ang natulungan ng kanilang pamahalaang bayan na sumailalim sa drug rehabilitation.., na ang mga ito ay nakatakdang lalabas na sa treatment facility sa Lunes, Hulyo 25.

“Yung programa natin para sa mga naging drug users, nagsisimula sa pagdala sa kanila sa treatment facility… na gobyerno natin ang gagastos… at pag natapos nila ito, gobyerno pa rin ang unang tatanggap sa kanila para makapagsimula uli ng kanilang mga buhay. Pinangakuan ko sila na sa paglabas nila, may trabahong mag aantay sa kanila.. dahil harapin na natin.. mahihirapan silang pumasok sa pribadong opisina dahil sa record nila. Eto yung limang kalalabas lang sa treatment facility, at sa Lunes, Hulyo 25, mag-start na silang magtrabaho sa Cainta Lgu,” saad ni MAYORA NIETO.

Ang ARYA ay saludo sa makataong-programa ni MAYORA.NIETO na sinsero ang naipakita nitong pag-asiste para sa ikasusulong ng kaniyang mga constituent.., at sana ay matularan siya ng ibang mga politiko ., kase marami pa ring mga politiko ang kunwa ay makatao pero puro pangungurakot sa pondo ng bayan ang kanilang inuuna…, kaya MABUHAY KA MAYORA NIETO PARA SA PAG-ASISTE SA MGA CAINTEÑO!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.