Advertisers

Advertisers

Binatilyo pinatay nang itanan ang dyowa

0 202

Advertisers

Patay ang isang stall owner nang paputukan ng dalawang beses ng kamag-anak ng kanyang nobya.

Sa report, tinanan ng biktima ang kanyang kasintahan.

Nangyari ang pamamaril sa parking lot ng palengke sa Imus, Cavite.



Ayon sa ulat, mapapanood sa CCTV footage na may kinukuha sa sasakyan ang biktima na si Saiden Emam Paino nang bigla siyang lapitan ni Badro Sidik Saripada.

Hindi naman nakita sa naturang video ang aktwal na pamamaril ni Saripada sa biktima.

Sinabi ni Imus chief of police Police Lt. Col. Jun Alamo, nagsimula ang alitan nang bawiin ng salarin ang kanilang kamag-anak.

“Parang kinuha nila, binawi (‘yung kamag-anak), sa pagkakataong ‘yun nagkaroon ng kaunting away,” pahayag ni Alamo.

Samantala, nagtamo ng tama sa likod si Paino habang nakatakas naman si Saripada.



Pinaghahahanap na ng mga awtoridad ang salarin upang sampahan ng kaukulang kaso.