Advertisers
Hindi pinalagpas ni Manila City Administrator Bernie Ang ang pahayag ni dating District 2 Congressman Carlo Lopez na kaya daw natalo siya at ang mga pinsang sina dating first district Congressman Manny Lopez at kapatid nitong Alex Lopez ay dahil sa malawakang bilihan ng boto at massive fraud.
Ani City Ad Ang, gasgas na daw ang linyang ‘nadaya ako’ sa hanay ng mga trapo o tradisyunal na pulitiko na hindi marunong tumanggap ng malinaw na pagkatalo o ni ayaw harapin ang katotohanang ayaw na ng tao sa kanila.
Kinuwento nito na noong itakbo ni Carlo si Alex bilang kahalili niya dahil magtatapos na ang kanyang termino bilang Congressman sa District 2, nanalo ang kalaban nitong si Rolan Valeriano, na isang three-termer na konsehal.
Nitong 2022 elections, si Carlo na mismo ang lumaban pero si Valeriano pa rin ang nanalo. ‘Yan ay sa kabila nang naging Congressman din sa Carlo noon nang tatlong termino.
Ayon kay Ang, maliwanag na napagtanto ng mga residente na pinagloloko lamang sila ni Carlo dahil una, hindi naman ito sa Tondo nakatira.
“A Congressman is called a ‘Representative’ and for one to be a true representative, he must be a resident or one with the residents for which he serves as their voice in Congress. Secondly, what has he done for the residents of Tondo during the pandemic? For sure, this came into play while the voters were choosing who could represent them best,” pahayag pa ni Ang.
Duon naman sa sinasabi ni Carlo na suportado daw ng mga taga-Maynila ang mga bintang ni Alex, ito naman ang sinabi ni Ang:
“May I remind the defeated Congressman that Mayor Honey Lacuna received a total of 538,595 votes during the May polls and that Alex was a very distant second, getting only 166,908 votes? The difference between their votes is a staggering 371,687.”
Aniya pa, maski pagsamahin ang 118,694 votes na napunta sa ikatlong si Amado Bagatsing at ang botong nakuha ni Alex, si Mayor Honey ay mananatiling may kalamangan na 252,993 votes. Oo nga naman.
Humihingi din ng dispensa itong si Ang dahil sa una niyang naging pahayag, sinabi niyang natalo ang mga Lopez dahil sa kadaldalan ni Alex na aniya ay walang ginawa kundi maghayag ng mga bintang sa halip na sabihin kung ano ang nagawa at gagawin niya para sa mga taga-Maynila.
Kaya siya humingi ng dispensa ay dahil binanggit niya na si Carlo ay maginoo hindi kagaya ni Alex. Binabawi na daw niya ito dahil pareho lang pala sina Alex at Carlo. Heheheh.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.