Advertisers
HANDANG tulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) si track and field legend Lydia De Vega na nasa kritikal na kondisyon dahil sa breast cancer.
Ayon kay PSC officer-in-charge Guillermo Iroy na nakipag-ugnayan na sila sa anak ni De Vega na si Stephanie Mercado de Koenigswarter ng ibinunyag nito ang kalagayan ng ina.
Mula pa kasi noong 2018 ay nakikipaglaban na ang 57-anyos na si De Vega sa nasabing sakit.
Ipinaaalam na rin ni Iroy kay Pangulong Fedinand Marcos Jr ang kalagayan ni De Vega bilang isa sa produkto ng Gintong Alay program ng pinsan ng pangulo na si Michael Keon bilang program director.
Tiniyak sa kaniya ng pangulo na gagawa ito ng paraan para matulungan ang beteranang atleta.
Si De Vega ay six times champion sprint events ng Asian Games at Asian Athletics Championship kung saan matapos ang kaniyang retirement ay namalagi na ito sa Singapore.