Advertisers
MATAPOS ang mahabang habulan at palitan ng putok ng baril sa pagitan ng mga pulis at ng isang lalaki bulagta ang kilalang tulak ng illegal na droga at meyembro ng “Serano Criminal Gang” na sangkot sa Robbery Hold Up sa Brgy, Taal sa bayan ng Pulilan.
Base sa paunang imbestigasyon ni PSsg. Joselito Espiritu, 9:00 ng gabi nang mang hold-up, ang suspek na si Bryan Victorino, 26 anyos ng Brgy, Lungos Pulilan sa harap nang isang sangay ng Alpha Mart sa Brgy,Taal sa nabangit na bayan.
Sa tulong ng CCTV at ng taong bayan agad natukoy ang suspek dahilan para isagawa ang manhunt na nagresulta sa pagkasawi nito.
Nakilala naman ang biktima ng robbery hold-up si Ryan Jake Bautista y Salas, 21 anyos, ng Brgy Tabang, Plaridel.
Nakuha ng Since of the Crime Operatives (SOCO) ang isang caliber .45 pistol Para-Ordinance na may serial number 936185, isang itim na belt bag, na naglalaman ng condum,at 15 gramo ng hinihinalang shabu kulay pula na Nmax motorcycle na may plakang DNI-837.
Nabatid na sangkot din umano ang suspek sa motornapping sa ibat-ibang bayan sa lalawigan.(Thony D. Arcenal)