Advertisers

Advertisers

Tiffany Grey nilandi si Sean de Guzman sa ‘The Influencer’

0 3,009

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

SI Tiffany Grey ang leading lady ni Sean de Guzman sa pelikulang The Influencer na pinagbibidahan din ni Cloe Barreto at mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio. Ang nasabing pelikula ay mapapanood very soon sa Vivamax.
Ano ang role niya sa The influencer?
Esplika ni Tiffany, “Ang role ko po roon ay isang bitch na babae na naglalandi kay Sean po at ako iyong pinakaunang naka-sex ni Sean sa movie na iyon.”
Nabanggit din niya kung gaano siya ka-sexy sa pelikulang ito.
Aniya, “Yes po, hubad po talaga and si Sean yung naka-love scene ko. Kaya masasabi ko po talaga na eto yung pinakamainit na nagawa kong love scene sa mga naging movies ko.”
Dagdag pa ng magandang newbie actress, “Yes po, masasabi kong palaban talaga ako sa scene na iyon at ibinigay ko iyong best ko para masabayan si Sean.”
Ano ang masasabi niya kay Direk Louie bilang direktor?
“Ang masasabi ko po kay direk Louie, super kind and magaling na director po siya… and magaan katrabaho po.”
Paano siya nag-prepare sa role niya bilang isang bitch at malanding girl?
Tugon ni Tiffany, “Siyempre po sa character bilang bitch at malandi, dapat may touch na class ka talaga, para magustuhan ng isang Sean de Guzman.”
Ano ang inisip niya nang ginagampanan na ang natoka sa kanyang character dito?
“Bale, sinabi ko na lang po sa sarili ko na kaya ko ito at dapat kakayanin talaga, hahaha!” Nakatawang bulalas pa ng aktres.
Ang The Influencer ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.
Kasama rin sa cast sina Elizabeth Oropesa, Karl Aquino, Calvin Reyes, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, at Quinn Carrillo na siya ring sumulat ng script.