Advertisers

Advertisers

Ciara pinayuhan ang mga misis na niloloko ng mister

0 286

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

MATAPOS punahin ang kanyang lips at kung anu-ano pa kay Heart Evangelista ay boobs naman niya ang pinuntirya ng netizens.
Ang kaibahan lang ngayon ay sinasagot na sila ni Heart.
May nag-comment sa Twitter ng, “ It`s all about the boobs for Heart nowadays,” na ang pinagbasehan ay ang larawan niya kasama si Brandon Boyd, na sinagot ni Heart, “Men and women have boobs. Should I remove mine? You tell me 🙂 since you are very logical 🙂 labo mo `tol.”
Payo naman kay Heart na i-ignore ang stupid people. Sinabi ni Heart, “Don`t worry I was just having fun.”
Kung noon ay naapektuhan si Heart kapag naba-bash, l ngayon ay rumeresbak siya sa mga ito at walang pakialam kung supalpalin niya ang mga istupidong tao na walang alam kundi punahin ang kapwa samantalang mas marami silang maling katangian.
Sabi nga ang mga tao na mahilig manira o punahin ang kapwa ay yung mga tao na mukhang balasubas at insecure sa sariling hitsura.
***
INAMIN ni Rayver Cruz na mahal niya at inspirasyon everyday si Julie Anne San Jose.
Marami pa rin kasi ang nagdududa na for show lang ang pagpapakita nila ng sweetness sa social media.
“Thank yuuuu sa lahat lahat my everyday inspiration “mahal kita Jules,” ito ang naging sagot ni Rayver sa birthday post ni Julie Anne sa kanya.
Sabi ni Julie Anne, “Today is your day and I could not be more proud and happy about all the good things that are coming to you and what you have accomplished. May you continue to inspire with all your passion and kindness because you make so many people happy and even a better version of themselves even me, when you feel like doubting yourself, you can believe on me as someone who believes in you and know that i am always here for you.
“Well, happiest birthday, Ray.
Well, sana raw ay totohanan na ang nadaramang pagmamahalan ng dalawa. At sana raw ay wagas ang nadaramang pagmamahal ni Rayver kay Julie Anne para hindi na muling masaktan.
***
MARAMI ang sumang-ayon sa ibinigay na solusyon ni Ciara Sotto sa mga partner na nanloloko.
Ang simpleng solusyon ni Ciara. “Ihatid mo sa pintuan palabas.” Bale ito ang sagot niya sa Q&A segment ng kanyang vlog na puwedeng magtanong ang kanyang subscribers.
Isa nga sa mga naging tanong kay Ciara ay kung paano niya hina-handle kapag nagkaroon ng cheating partner. Yun nga ang naging sagot ni Ciara at may dagdag pang, “I can`t deal cheating. Bigay nyo na sa kanila, kung ayaw niya sa`yo. Kung ayaw na nila sa`yo, bye.”
Pahabol pa ni Ciara. “Sipain mo pa” pero kaagad din niyang binawi para sabihn na nagbibiro lang daw siya sa “sipain.” Pero marami ang sumang-ayon at nagsabing yun din daw ang gagawin nila kapag sila`y niloko ng kanilang partner. Hindi lang daw nila ihahatid palabas ng pintuan, tatadyakan pa nila para mabilis makaalis ng bahay.
Sa mga hindi nakakaalam, matagal nang hiwalay sa asawa si Ciara at co-parenting ang set up nila ng ama ng kanyang anak.
So, alam ninyo na walang nangyaring gulo sa paghihiwalay nilang mag-asawa.
***
Maggie
nakakuha ng TRO
Nabawasan ang stress ng kapatid ni Maggie Wilson na si Beth Wilson dahil na-grant ng korte ang petition ni Maggie sa issue ng property. Binigyan si Maggie ng 72-hour Temporary Restraining Order. Post ni Maggie sa kanyang Instagram story, “After 6 days of no power. Thank you to the court and the justice system of the Philippines. And thank you to my lawyers @divinalawph.”
Ang hinihintay at sumusubaybay sa kaso ng dalawa ay anong mangyayari pagkatapos ng 72-hours dahil siguradong may gagawing hakbang ang kampo ni Victor Consunji at siguradong di papayag ang mga abogado nito na sila ay matalo.
Tiyak matagal ang aabutin ng kaso ng dalawa at marami ang nagsasabi na sana raw ay maayos ng maganda para na rin sa kapakanan ng kanilang nag-iisang anak.
Siyanga pala ang sister ni Maggie na si Beth ang nasa bahay that time nang putulin at ipad-lock ang tirahan ng former beauty queen. Kaya sobrang stress ang inabot nito sa nangyari sa kapatid at husband nito na si Victor.