Advertisers

Advertisers

6 tiwaling pulis timbog

0 192

Advertisers

Naaresto ang anim na pulis na sangkot sa iba’t ibang katiwalian ng mga Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) sa magkakahiwalay imsidente.

Ayon kay BGen Samuel Nacion Dir. PNP IMEG, ang mga isinagawang mga operation laban sa mga tiwaling pulis, base sa patuloy na internal cleansing sa hanay ng PNP

Nabatid na naaresto ng mga elemento ng PNP IMEG si Pat Bolpr Jr., na wanted sa kasong frustrated murder sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City noong Hulyo 17, 2022.



Nadakip naman ng mga operatiba ang na-dismis na pulis na si Rodrigo Sanoy, no. 8 Most Wanted Person sa Malabon City sa kasong murder sa Roxas St, Sampaloc, Maynila noong Hulyo 15. At y kilalang protektor si Sanoy ng iligal gambling at iba pang mga gawain sa kanilang lugar.

Samantala, sumuko naman sa PNP IMEG ang tatlong pulis na miyembro ng Binan City Police Station na sangkot sa pamamaril noong Hulyo 14.

Kinilala ang mga sumuko na sina Cpl. Mark Jefferson Arzola, Cpl. Gerald Casanova at Pat. Amiel Howell Alcantara.

Nadakip din ng mga PNP IMEG Central Luzon Field Unit si Pat Karl Mikhael Almazan, ng Highway Patrol Group’s (HPG) Intelligence Division.

Inaresto si Almazan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. na ipinalabas ng korte.



Isinaad ni Nacion na patuloy ang kanilang isinasagwang internal cleansing Programs upang tuluyang maalis sa serbisyo ang mga pulis na tiwali o sangkot sa mga iligal na gawain.(Mark Obleada)