Advertisers
PUMASOK na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente ng pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University sa Quezon City nitong Linggo kungsaan tatlo ang nasawi at dalawa ang sugatan.
Nakipag-ugnayan ang NBI sa Quezon City Police District para sa parallel investigation.
Ayon sa QCPD, bukas sila sa imbestigasyon ng NBI at makikipagtulungan sila sa ahensya para sa mas mabusi-sing imbestigasyon sa kaso.
Nasawi sa insidente ang kasalukuyang Vice Mayor ng Lamitan, Basilan na si Rosita Furigay, kanyang aide na si Victor Capistrano, at security guard ng Ateneo na si Jeneven Bandiola.
Si Furigay ay asawa ng kasalukuyang alkalde ng Lamitan na si Roderick.
Kabilang sa mga nasugatan ang anak ni Furagay na si Hanna, 25; at isang 54- anyos na babae.
Sa imbestigasyon ng QCPD, nakapasok ang salarin na nakilalang na si Dr. Chao-Tiao Yumol, 38, sa loob ng unibersidad sakay ng isang transport network vehicle service (TNVS) at nakihalubilo sa mga dumadalo sa graduation rites ng law students.
Sa kuha ng CCTV sa lugar, makikita ang pagtakbo ng gunman na nakasuot ng puting damit palabas ng Ateneo matapos ang pamamaslang.
Makikita ring pinaputukan ang salarin ng isang security aide ng panauhin din sa graduation.
Makikita rin sa isang video ang pagtakbo ng salarin na nakapagpalit na ng damit (kulay berde) papunta sa isang tricycle. Tinangka nito agawin ang tricycle pero nanlaban ang driver. Tumakbo ang salarin at nakapang-agaw ng kotse na kulay dilaw, kungsaan nabangga pa nito ang hulihan ng isang truck. Tapos lumipat ito sa bus pero nasundan siya ng mga pulis sa tulong ng mga rider at naaresto ito. Makikita pang binugbog ng taumbayan ang salarin habang nakadapa.
Dalawang baril at apat na magazines ang nakuha kay Yumul.
Sinabi ng kampo ng mga biktima na matagal nang may galit si Yumul sa pamilya Furugay. Nag-ugat daw ito nang ipasara ni noo’y Mayor Rose Furugay ang infirmary clinic ni Yumul dahil wala itong permit mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. At dito na inatake ng duktor ang mayor at ibang opisyal ng Lamitan City LGU sa social media, dahilan para masampahan ito ng 76 Libel at Cyberlibel cases. Naisyuhan daw ito ng walong arrest warrant sa Davao City at Zamboanga City. Simula January 2021 ay nagtago na raw ang duktor.
Sa panig ni Yumul, sinabi niyang drug lords ang pamilya Furugay at ubod daw ito ng korap. Sa kanyang Facebook account, mababasa rito ang kanyang paghingi ng tulong kay noo’y President Rody Duterte hinggil sa talamak na droga sa Lamitan City, at kay noo’y PACC Commissioner Greco Belgica kaugnay naman sa grabeng korapsyon sa LGU Lamitan. Pero hindi pinansin ang kanyang mga sumbong. Sinabi rin niyang tatlong beses na siyang pina-ambush ni Furugay.
Pinasinungalingan naman ng abogado ng pamilya Furugay ang mga sinabi ni Yumul. Sabi ni Atty. Quirino Esguerra, ang Lamitan City Govt. ay 4 beses naging awardee ng ‘Good Local Governance’ at hindi nakasuhan ng droga ang mag-asawang politiko.
Si Yumul ay nahaharap sa mga kasong multiple murder, frustrated murder at paglabag sa gun ban.