Advertisers

Advertisers

KNP back-up kay PBBM

0 242

Advertisers

KAMAKAILAN lamang ay nagbuklod-buklod ang ilan sa ating mga mambabatas upang itatag at ilunsad ang samahang Kilusan ng Nagkakaisang Pilipino o’ KNP.

Ito raw ang kanilang kasagutan sa panawagan ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. (PBBM) na dapat ay mag-kaisa na, at talikuran na ang pagkakahiwa-hiwalay ng dahil sa politika.

KNP raw ang magsisilbing “unifying factor” para maabot ang nais ni PBBM na mapagtagumpayan ang lahat ng adhikain ng pamahalaan.



Pinangunahan nila San Jose del Monte Rep. Rida Robes, Zamboanga del Sur Rep. Divina Grace Yu, Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma, Leyte Rep. Richard Gomez, Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, Navotas Rep. Toby Tiangco, at Nueva Ecija Rep. Rosanna “Ria” Vergara ang panimulang gawain para mapagbuklod ang lahat na nagnanais ding mapagtagumpayan ni PBBM ang lahat ng kanyang nais na mangyari sa bansa.

Ipinakilala nila ang KNP bilang ‘socio-civic movement’ na Ang pangunahing layunin ay maabot ang lahat ng sektor ng lipunan hanggang sa mga nasa laylayan ng kahirapan. Ginanap ang seremonyas sa Marquee Tent ng Edsa Shangri-la Hotel.

Ang sabi ni Robes umaasa silang lalago at dadami pa ang sasama sa KNP upang makiisa sa hangaring higit pang mapaganda ang kalagayan ng bansa.

Simula rin daw ito ng mas malaking pagpaplano para sa Pilipinas, at pagpapalaki ng kanilang samahan na sa ngayon ay mayroon ng 200 miyembro.

Di naman kataka-taka kung ang kanilang 200 miyembro ay maging dalawang libo na sa susunod na buwan at sa mga darating pang mga araw ay maging 20,000 hanggang 200,000 o’ 2 milyon o kaya naman ay 20 milyon pa sa mg darating pang mga panahon.



Ito ay dahil sa magandang layunin ng KNP – ang mapagkaisa ng sambayanan tungo sa kaunlaran.

Mababago nito ang takbo ng pamahalaan kung lahat ng miyembro ng KNP ay makikiisa rin sa magandang layunin ni PBBM para sa bayan.