Advertisers
Arestado ang 57 anyos na babaeng branch manager ng security agency dahil sa pagdadala ng mga bala nang walang anumang appropriate permit sa Port Area Manila.
Kinilala ni P/Major Randy Ludovice, hepe ng Northern NCR Maritime Police Station ang suspek bilang si Sarah Macatangay, ARB-1 Security Agency, Branch Manager at residente ng Brgy., 4, Coron, Palawan.
Ayon kay Major Loduvice, habang sumasailalim sa X-ray screening machine sa Port Area Manila 2:40 ng hapon si Macatangay, kusang loob niyang sinabi sa duty security na si Zeniemee Guiritan na may dala siyang apat na kahon ng mga bala ng baril.
Dahil walang anumang appropriate permit sa naturang mga bala, dinakip siya ng mga tauhan ng Philippine Ports Authority (PPA) at nakumpiska sa kanya ang tatlong kahon na naglalaman ng 50 pirasong bala ng 9mm at isang kahon na naglalaman ng 40 pirasong bala ng cal. 45.
Tinurned-over ni Julie Lucero, Security Port Police Inspector ng PPA ang suspek sa Maritime Police Station sa Navotas City kung saan mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act).