Advertisers

Advertisers

GUSOT SA GILAS, BINUBUSISI

0 334

Advertisers

AYAW pa rin tantanan ng basketball fans ang trending na gusot sa isyu ng GILAS PILIPINAS at hirit pa rin sa sigaw na ‘RESIGN’ patama kay Coach CHOT REYES kasunod ng mga pagkatalo at maagang paglaglag sa 2022 FIBA ASIA CUP, first time since our victory in 1989, sa 9th place.

Kung sisilipin ang mga komento sa social media, nakadidismaya ang paghusga at kawalan ng respeto ng ilang bashers na karaniwan naman nating nakikita ngayon sa socmed na malayang nagpapahayag ng super anghang at below the belt na comments. Mukhang hindi naman fair ang ganitong trato sa isang multi-awarded coach na naglista ng mahabang record ng victory sa kanyang sports career, particularly bilang champion coach. Aba, nine (9) times Champion sa top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION, six (6) times PBA Coach of The Year at current coach ng champion team TALK N TEXT Tropang Giga si GILAS Head Coach CHOT, di po yun basta-basta.

On the other hand, obvious din ang concern at masidhing desire ng fans na bumandera ang Pilipinas sa international competitions pero walang makapagsasabi kung ano ang talagang mararating ng players o team sa bawat laban. Totoo naman po, madaling manghusga pero mainam din na maunawaan ang bawat anggulo ng isyu.



Kahit ang post sa birthday ni Coach CHOT three (3) daysago, hindi pinatawad ng bashers na nanlalait sa kakayahan nito.

Patuloy ang pagbusisi sa GILAS isyu. Bubusisiin din ang pagsuporta sa GILAS with Senators BONG GO, MARK VILLAR, JOEL VILLANUEVA, FRANCIS TOLENTINO and ALLAN PETER CAYETANO thru Senate Committee on Sports na titiyak sa magandang performance ng mga atleta sa international competitions.

SBP: WALANG KASALANAN SI CHOT,
SI TAB ANG ‘NANG-IWAN’!
BAGONG intriga ang tanggap ng fans sa pahayag ng SAMAHANG BASKETBOL NG PILIPINAS (SBP) na si Coach TAB BALDWIN ang ‘dapat sisihin’. Naghain ng resignation si Coach CHOT for FIBA failure pero hindi tinanggap, Sey ni SBP President AL PANLILIO sa SEAG Network, ‘It was TAB BALDWIN who decided not to coach the team for the February window of the FIBA World Cup Asian Qualifiers, andrecommended REYES for the job.’

Hindi man diretsang sinabi, si Coach TAB ang ‘nang-iwan sa ere’ at pinili pa rin ang ATENEO team niya sa kasabay na UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (UAAP) Games. Sana lang, walang nagpapalala at pinalalaki sa socmed. Masakit para sa kampo ni Coach CHOT at ng SBP pero hindi sila bibigay sa bashers. Sinalo ni Coach CHOT ang responsibility pero young team ang hawak kaya hirap umalagwa. Apela nila ang suporta at pang-unawa para sa susunod na mga laban, yes, MORAL SUPPORT po ang hinihingi. Tanong din namin, bakit sapanahong natatalo, galit ang ganti sa halip na suporta, wala pong maygusto ng talo.

PBA, SUPORTADO ANG GILAS
Nagpahayag na si PBA Commissioner WILLIE MARCIAL ng masmaigting na suporta sa GILAS., pati ang SAN MIGUEL CORPORATION (SMC)thru Sports Director AL FRANCIS CHUA, appointed GILAS Executive Advisor. Nasa coaching na rin ang too pre-occupied champion coach, TIMCONE. Two conferences na lang sa PBA para maibigay ang mga kailangang players, coach at time para sa preparation for 2023 FIBA BASKETBALL WORLD CUP. Sey ni KUME MARCIAL last year pa ang plano with Chairman RICKY VARGAS na magdiretso ang tulong sa GILAS, napagkaisahan ng Board; all-out support, from players and coaches to ball boys, pwede.Abangan po natin at suportahan in our own little ways mga KaIsport, para sa bansa. So there!



AUGUST CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Mam GLORIA P. CATINDOY of ArellanoPlaridel Campus and MARK ANTHONY H. ARMAS of Mandaluyong City. HAPPYREADING!