Advertisers
WINALIS ng PLDT ang Army-Black Mamba, 25 – 22,25-18,25-21,sa pag arangkada ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference semifinals sa FilOil EcoOil Center sa San Juan.
Skipper Rhea Dimaculangan naglatag ng 24 excellent sets upang pamunuan ang 4 High Speed Hitters sa double figures.
Pinamunuan ng nangungunang best blocker candidate Mika Reyes at Dell Palomata ang opensa ng PLDT sa tinipang 15 at 11 attacks, ayon sa pagkakasunod, Habang si Fiola Ceballos naitala ang kanyang unang triple-double performance sa conference na 10 points,15 digs at 14 receptions.
Naungusan ng PLDT ang Army sa 52-39 advantage in attacks,4-1 edge in blocks, at aces Habang nalimitahan sa depensa ang Lady Troopers ace Jovelyn Gonzaga sa six points- pinakamababang output sa conference.
Ceballos at Jules Samonte- na nagtapos na may nine points at 12 digs- may pinagsamang 62 digs at 33 receptions, kontra Armys 48 digs at 19 receptions para sa High Speed Hitters habang si Toni Basas nagdagdag ng 10 points.
Royse Tubino umiskor ng 10 points para sa Army na may 3-3 win-loss rekord.