Advertisers
NAPAKARAMING panukalang naka-file ngayon sa Kongreso tungkol sa mga pagbibigay ng ayuda sa mamamayan.
Tulad ng isinusulong ni Congressman Joey Salceda ng 2nd District ng Albay. Hirit niyang bigyan ng P2K ayuda kada buwan ang mga single mommy, plain housewife na sa bahay lang nakapirmi.
Aba’y napakaraming single mom ngayon, mga biktima ng mapaglarong pag-ibig. Hehehe…. At napakarami ring jobless na misis na puros pagma-marites, tong-its at bingo lang ang inaatupag sa bahay. Tapos bibigyan mo ng P2K ayuda? Ang suwerte naman nila!
Okey, sige bigyan natin sila ng ayuda! Eh saan naman kukunin ng gobyerno ang pondo para rito, aber? Magdadagdag na naman ng buwis sa mga trabahador? Araguy!!!
Bakit hindi trabaho o pangkabuhayan ang ibigay sa mga tambay na ito?, kesa naman ayuda kada buwan.
Sa pagbibigay ng ayuda, tinuturuan lang natin lalong maging tamad ang mga batugan nating kababayan. Mismo!
Ang ayuda ay dapat ibinibigay lang sa mga naapektuhan ng kalamidad, hindi sa mga nagma-marites lang. Tama?
Tulad dito sa 4Ps, ilang bilyong piso ang pondo rito kada taon. Bakit hindi nalang bigyan ng trabaho o pangkabuhayan ang higit 4 million 4Ps beneficiaries na ito, kesa ayudahan sila kada buwan?
Halimbawa yung 4Ps beneficiaries sa mga probinsiya, turuan sila ng mga livelihood, bigyan ng pondo, tapos bahala na silang magpalago. Period!
***
Malaking problema ngayon ng gobyerno ang pagsabatas sa dagdag social pension ng senior pensioners. P25 billion ang kailangang pondo para rito. Hindi pa alam ni PBBM kung saan kukunin ang pondong ito. Tsk tsk tsk…
Ito naman kasing si Senador Joel Villanueva, gumawa ng panukalang dagdag social pension pero hindi inalam kung saan kukuha ng pondo. Si PBBM tuloy ngayon ang sinisingil ng social pensioners. Ewan!
Kung sa P500 kada buwan nga ay hirap na hirap na ang gobyerno na maibigay ito quarterly, sa P1K pa kaya?
Chat nga sa akin ng senior pensioners mula sa mga probinsiya, mag-isang taon na silang hindi nakakatanggap ng kanilang social pension. Huli raw sila nakakuha noon pang Enero. Araguy!!!
Teka, baka mai-release na yan bago mag-Barangay Election sa Disyembre 5, sabihin si Mayor ang nagpa-release, paguwapo sa kanilang mga kandidato sa barangay. You know!
***
May hinihirit na naman si Congressman Arnie Teves ng Negros Oriental, ang nagpanukala na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Ferdinand E. Marcos Int’l Airport (FEMIA) at ‘Ghosting’.
Gusto ni Teves, bigyan ng P1 billion pondo ang bawat agricultural district para raw sa pagpagawa ng ‘farm to market roads’. Animal!
Panahon pa ni Gloria M. Arroyo (GMA) ang farm to market roads na yan. Napakarami nang politiko ang yumaman ng todo sa proyektong yan. Ang matindi pa rito, yung mga ginawang kalsada imbes na papunta sa komunidad ng mga magsasaka ay napunta sa resort at farm ni Congressman, Governor o Mayor! Mismo!!!
Korapsyon ang naisip na ito ni Teves. Animal!