Advertisers
Ipinahayag ng Sadanga Social Welfare and Development Office, na bawat araw bumababa ng 1 metro ang lupa sa Sitio Tatabra-an, Brgy. Sacasacan mula noong nakaraang Huwebes.
Umabot sa 5 bahay ang hindi na pwedeng tirhan at mayroong pang 6 na posibleng madamay sa pagguho.
Apat namang kamalig ang hindi na magagamit dahil may bitak na rin ang kinatatayuang lote.
Nagsimula na ring magbaklas at maglipat ng ilang gamit ang mga residente.