Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu biyaheng Metro Manila nasabat sa Zambo airport

0 219

Advertisers

Napigil ng mga taga Philippine Drug Enforcement Agency ang tangkang pagpapadala ng isang package na may lamang P3.4 million na shabu sa airport sa Zamboanga City, mula sa Maluso, Basilan, na para sana sa Quezon City nitong Lunes, August 8.

Sa ulat, na-detect, gamit ang narcotics detection dogs, ng mga kasapi ng PDEA-Region 9 at ng Aviation Security 9 ng Philippine National Police ang naturang package sa cargo section ng Zamboanga City Airport kaya agad itong nakumpiska.

Ang package, may laman na P3.4 million na shabu, ipapadala sana sa Metro Manila, sa pamamagitan ng JRS forwarding firm, ng isang Farhana Maddih, na diumano ay taga Maluso, Basilan, sa isang Dayana Ismael na ang address sa JRS waybill ay Philcoa, Commonwealth, Quezon City.



Nagsasagawa na ng mas malalim na imbestigasyon ang PDEA-9, ang Police Regional Office-9 at ang Zamboanga City Police Office sa naturang tangkang pagpapadala ng shabu mula sa Zamboanga City para sana sa Quezon City.