Advertisers

Advertisers

Roro sumadsad sa Iloilo: 223 pasahero at 38 crew, ligtas

0 184

Advertisers

Sumadsad ang isang barko sa katubigan ng Igbon Island at Agho Island sa Concepcion, Iloilo, nitong madaling araw ng Martes.

Agad namang tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nasabing maritime incident na kinasasangkutan ng MV Filipinas Cebu.

Ayon sa PCG, ang naturang RoRo/passenger vessel ng Cokaliong Shipping Lines, umalis sa Iloilo, 7:14 ng gabi (08 August 2022) at patungo sana sa Cebu nang sumadsad 12 ng madaling araw.



Ligtas naman ang 223 pasahero at 38 crew na sakay ng barko ayon na rin sa kapitan na si Capt. Alexander Washing.

Dumating ang mga tauhan ng PCG Sub-Station Concepcion sa grounding site 4:03 ng madaling araw hanggang para i-check ang kondisyon ng mga pasahero at crew ng barko.

Inatasan din ng PCG ang BRP Panglao (FPB-2402) na tumungo sa lugar at makarating ito sa lugar 9:00 ng umaga nitong Martes. (Jocelyn Domenden)