Advertisers
BATID ng tropang Prime C Warriors na nasa dehado silang kalagayan sa kanilang nakatakdang laban pagratsada ng quarterfinal round ng Pilipinas Super League 21-Under sa parating na weekend sa pamosong Bren C. Guiao Sports and Convention Center ,San Fernando,Pampanga.
Ayon kay amateur/ commercial multi-titled coach Pablo Lucas,determinado ang kanyang bataan na maiwaksi ang malalaking balakid upang umiskor ng higanteng tagumpay kontra makakalabang powerhouse na Pampanga Delta( segunda sa eliminasyon) ni Governor Dennis Pineda ,una ay ang disadvantage sa height, homecrowd at ang bentaheng twice -to-beat ng kalabang Kapampangan.
“Mabigat ang laban. Sanay naman ang mga bata sa matitinding bakbakan kahit sa dayo.We are warriors for nothing.We will take them one game at a time fairly and squarely”, optimistikong pahayag ni Warriors coach Lucas kasabay ng pasasalamat sa suporta ni Prime C Forte team owner Rommel Tabaniag,Gigi de Lana at sa Pasay City LGU ni Mayor Emi Calixto Rubiano.
Kailangan ani Lucas na mag-step up lalo ang kanyang go to guys sa pamumuno ng nangungunang league scorer all around player na si Jomax Garces kaagapay sina Yam Concepcion, Jus Mascarinas, defense specialist Lawrence Hawkins at katuwang ang warriors pang sina Xian Gomez,JR Pujeda, Dexter Lugmay, Jason Balunes, John Dave Garcia, John Fannie Villa, Mico Nambi, Axel Javier, Daniel Valenzuela, Kurt Natural, Vinci Valenzuela,Uan Prolles, Andrei Marte at Sean Pabalado upang ma-neutralize ang lakas ng tropang Delta na binabanderahan nina nina slotman Arthur Roque at pointguard CJ Delfino.
Ang PSL 21-U “Ito ang Liga Ko”ay inorganisa ni league president Rocky Chan kabalikat si vice Ray Alao at commissioner Marc Pingris. (Danny Simon)