Advertisers

Advertisers

Matteo kumpirmado, magiging Kapuso na

0 322

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BAGO pa man matapos ang buwan, asahan na raw ang pagiging certified Kapuso ni Matteo Guidicelli.
Kaya naman kung bibisitahin ang socmed account ng actor ay tutok ito sa pagtulong sa misis na si Sarah Geronimo para sa bagong labas nitong single na may titulong ‘Duyan’.
Excited na nga ang mister ng Pop Princess sa paglipat sa GMA-7.
Sasalang daw agad si Matteo sa isang programa sa Kapuso.
Sa morning show ng Siyete na Unang Hirit daw sasalang si Matteo.
Ilang TV shows na din naman ang nilabasan ni Matteo bilang host.
Kaya di na kataka-taka kung makipagsabayan si Matteo sa larangan ng TV hosting.
***
Lorna T., naging action star sa Ang Probinsiyano
SA FB page ng Dreamscape entertainment ay inihayag ni Lorna Tolentino ang pagiging bahagi ng action series na Ang Probinsiyano ni Coco Martin.
Sa pag-alala nito, ang 10 days na guesting nito ay inabot ng 3 years.
Sa pagbabahagi ni Lorna, sa tagal na nitong gumagawa ng serye ay itong AP nga raw ang never niya malilimutan.
Dahil dito nga ay ginawa siyang action star na feeling niya ay girl version na siya ng namayapang mister na si Rudy Fernandez.
At di lang action kungdi naging kontrabida ang mahusay na aktres.
Kaya ganun na lang ang pagkabilib nito sa bida sa serye na si Coco Martin sa pagiging matulungin lalo na sa panahon ng pandemya.
Well, well, well…’Yun na!