Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAG-REACT si RR Enriquez sa pahayag ng beteranong aktor na si Jaime Fabregas tungkol sa muling pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.
Ayon kasi sa tweet ni Jaime,”Teach the children to love their country and you won’t need to send them to ROTC! They will defend her with everything they have!”
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni RR ang kanyang opinyon ukol sa isyu kalakip ang sinabi ni Jaime sa kanyang tweet.
Sabi ni RR,”Excuse me Sir!! I agree with you by teaching children to love your country. But loving your country is not enough…If you don’t know how to fight, how can you defend your country??”
Ayon pa kay RR, sa Bible ay tinuturuan daw na ang mga 12 years old na mga bata at naniniwala siyang hanggang ngayon daw ay mandatory ito.
“If magkaroon ng giyera your love won’t defend you… And hindi porke’t walang gulo or walang giyera sa ngayon magpapaka-complacent na tayo.”
Ikinumpara pa nga niya ang pagkakaroon ng ROTC sa paraan ng paghahanda ng mga langgam bago ang pagsapit ng tag-ulan.
“Gayahin natin ang langgam mentality… Nag-iimbak na sila ng pagkain habang wala pang bagyo. Para in times na dumating ang ulan or bagyo, handa sila,” sey pa ni RR.
Biro pa niya, hindi naman daw lahat ay katulad ni Cardo na hindi namamatay.
“Hindi po tayo katulad ni Cardo na hindi mamatay-matay… Ibahin po natin ang pelikula na madalas ginagawa n’yo na hindi kayo mamatay-matay,” hirit pa ni RR.
Si Cardo Dalisay ay ang bida sa longest Kapamilya aksyonserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” na isa sa mga cast si Jaime Fabregas na gumanap bilang Lolo Delfin.
Pero sa kabila naman ng kanyang pagsalungat sa pahayag ni Jaime ay nananatili pa rin daw ang respeto niya rito.
“Pero love ko pa din po kayo and I respect you because you are a legendary.”
Sa pagsalungat ni RR sa opinyon ni Jaime ay wala namang pahayag o reaksyon dito ang batikang aktor.
Matatandaang isa sa mga iminumungkahi noon pa man ni Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte ang pagkakaroon at pagbabalik ng ROTC at CAT sa mga paaralan na sinang-ayunan din naman ng iba pang mga mambabatas.
***
Sa guesting ni John Prats sa pinakabagong vlog sa YouTube ni Bianca Gonzalez na may titulong “#TrustTheProcess: John Prats,” sinabi niya na muntik na siyang lumipat noon sa GMA-7 dahil sa matinding gastusin at pangangailangan ng kanyang pamilya lalo na’t buntis noon ang asawa niyang si Isabel Oli.
Aniya, “Nung nagkaroon na ako ng family, buntis na si Liv [Isabel] noon – na-realize namin na parang hindi enough yung twice a week taping para ma-sustain, or mabigay yung needs ng family mo.
“And then, I was about to transfer [to GMA]. Tapos, the next day, Tita Cory (Vidanes) found out, pinigilan niya ako nung nalaman niya.
“Siyempre ako, nung nalaman kong pinigilan ako, sabi ko, ‘Sige, I’ll stay.’
“Siyempre gusto mo yun, kasi parang tahanan mo ‘yan [ABS-CBN] for how many years.”
Matapos ang pagpigil sa kanya ni ABS-CBN chief executive Cory Vidanes ay kinuha siya bilang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano, na kalaunan ay nagsilbi na rin siyang direktor nito.
After magtapos kagabi ang longest-running series sa telebisyon, wala pang balita kung anong susunod na project ni John sa Kapamilya network. Sana ay magkaroon siya ulit, dahil ‘pag hindi ay baka tuluyan na nga siyang lumipat sa GMA 7,’di ba?