Advertisers

Advertisers

Sa mga stall owners at vendors: “Maging responsable sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran!” – Mayor Honey

0 295

Advertisers

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng stall owners at vendors sa mga public markets sa lungsod na maging responsable at unahin ang kalusugan at kaligtasan ng publiko na kanilang pinagsisilbihan.

Nabatid na nakipagkita rin si Lacuna sa mga kawani ng palengke at tanggapan ng hawkers upang mabatid ang sakop ng kanilang responsibilidad at upang magbigay at tumanggap ito ng mga input kung paano pauunlarin ang kanilang serbisyo.

Sinabi ng babaeng alkalde na hindi lamang layunin ng city government na higit na paghusayin ang serbisyo ng mga public markets, layunin din nito na proteksyunan ang lahat ng lehitimong vendors sa buong lungsod.



Tiniyak din niya na magiging parehas ang pamahalaang lungsod sa pagtrato sa mga vendors.

Sinuportahan naman ng mga kawani ng city hall ang alkalde, partikular ang mga may kinalaman sa operasyon public market stall owners at vendors, na turuan ang mga vendors kung paano maging responsable para sa kaligtasan ng kanilang paninda at ng mga mamimili.

“Hinihikayat ko din ang mga employes na turuan nating maging responsible ang stall owners at vendors, lalo na patungkol sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran,” pahayag ng alkalde.

Idinagdag pa ni Lacuna na: “Let us remind them na pagkain ang hina-handle o tangan nila kaya dapat, laging malinis ang kanilang kapaligiran dahil reflection din ito ng kanilang ibinebenta sa ating kababayan.”

Pinunto ng alkalde na kapag malinis ang stall o lugar na pinagtitindahan, mas maraming mahihikayat na tumangkilik sa public markets.



At upang matiyak na malinis ang kanilang mga panindang pagkain, sinabi ni Lacuna na mas makabubuti sa mga stall owners at vendors na kumuha ng sanitary permits at health certificates mula sa lungsod. (ANDI GARCIA)