Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NA-bash si Vivian Velez nang pagkumparahin ang suot nina Heart Evangelista at Maris Racal na pinost niya sa kanyang Facebook account.
“Heart`s designer outfit in Paris vs ukay-ukay of Maris Racal in NYC. You don`t have to buy expensive, you just need to look like one hahaha,” say ni Vivian.
Tanong tuloy ng netizen kay Vivian kung ano raw ba ang gustong palabasin sa kanyang post. May galit daw ba siya kay Heart?
Curious naman ang iba kung sino ang pinasasaringan ni Vivian? May sumang-ayon sa comment ni Vivian pero ang dating ay rude pa rin.
May nagpaalala naman kay Vivian na mabibili ni Heart ang kanyang gusto dahil may pera at higit sa lahat ay hindi galing sa nakaw ang kanyang pera. Buwelta nito kay Vivian, “pinakikialaman ba ni Heart ang wrinkles mo,” na hindi rin maganda ang dating.
May mga sumang-ayon din naman kay Vivian dahil wala raw sa presyo ang suot para maging classy. Mas mukhang mahal at classy ang dating sa suot na ukay-ukay dress ni Maris.
Dahil humaba na ang pagtatalo at napunta na sa ibang isyu kaya nakapag-comment si Vivian ng, “But some people just don`t get the point. I did hit a nerve…oh well haha.”
Anyway, marami rin ang pumupuna kay Heart sa sobrang dami ng kung anu-ano pinaggagawa sa kanyang mukha. Maganda at bata pa siya kaya hindi na raw dapat kung anu-ano gamitin o ginagawa sa kanyang mukha
Ang ending daw nito ay mas madaling tumanda ang kanyang hitsura dahil bata pa ay kung anu-ano nang pinaggagawa sa kanyang hitsura. Baka raw kapag senior na siya ay hindi na siya makilala dahil sa sobrang dami ng make-up at anik-anik ang ginagawa niyang pagpapaganda.
***
Jane nagtaka rin napiling bagong Darna
Ibinahagi ni Jane de Leon sa morning show na Magandang Buhay ang pinagdaanan niyang batikos sa mga basher.
May nagsasabing hindi raw siya bagay sa role na iconic Pinoy superhero at maging ang ilan showbiz personality ay may comment din sa kanya na kesyo ‘bland” o walang dating bilang Darna.
Sa naturang morning show din sinagot ni Jane ang mga batikos sa kanya tungkol sa pagkakapili sa kanya bilang bagong Darna.
Inamin ni Jane na nasasaktan siya sa mga batikos sa kanya bilang Darna. Umpisa pa lang daw nu‘ng siya ang napiling Darna mula sa 300 hopefuls ay sinimulan na siyang i-bash. Nandoong wala raw siyang karapatang maging Darna.
“Una po talaga, alam ni Mommy `yun na naapektuhan ako,” say ni Jane.
Aminado na isang baguhan pa raw siya pero pinalad na napiling gumanap na Darna na maging siya ay hindi makapaniwala dahil napakaraming naghahangad na maging Darna.
“Hindi ko alam kung paano ko iha-handle. Siyempre, naapektuhan din ako, ganyan. Bakit nila sinasabi `to?” aniya.
“Pero after year and months, na-realize ko rin po na may point din naman po sila. Bakit nga ba ako ang napili? Sa totoo lang, hindi ko rin po alam kung bakit ako ang napili,” pagtatapat ni Jane.
Ipinagtanggol naman ni Regine Velasquez-Alcasid na host ng Magandang Buhay si Jane bilang bagong Darna.
“Alam ko, naiintindihan ko kung bakit pinili ng ABS CBN `yung someone who is new and fresh. Siyempre, ang gusto nating Darna ay bagong mukha,” pagtatanggol ng Asia`s Songbird
Sabi pa ni Regine, “I remember when it was Angel (Locsin), bago, eh. Si Vilma Santos, she was so young when she did Darna. Kilala natin siya, pero baguhan din siya. Even Lorna Tolentino.
“So, tamang-tama lang na bagong mukha rin ang magiging Darna ngayon.”
“Na-share rin ni Regine, year 2003 ay gumanap din siyang Darna sa Captain Barbell movie na pinagbidahan ni Senator Bong Revilla.
Sinuportahan si Jane ng kanyang mommy sa kabila ng mga natatanggap na batikos.