Advertisers
Nahuli ang isang malaking isda na kung tawagin Giant Trevally at may local name na lalo o mamsa o langugan sa Eastern Samar.
May 30 kilos ang timbang ng nahuling Giant Trevally.
Ibinahagi ni Jhayboy Macawile Quiminales ang mga larawan at video niya nang makahuli siya ng nasabing isda.
Nahuli ito ni Quiminales sa karagatan na sakop ng Guiuan.
Ayon kay Quiminales, libangan na niya ang panghuhuli ng isda gamit ang “kawil” o sa paraang pamimingwit.
Sinabi ni Quiminales, ikinatuwa niya ang pagkahuli sa Giant Trevally dahil bihira lamang ito mangyari.
Kwento ni Quiminales, tatlong beses na siyang nakahuli ng nasabing isda na kaniyang ipinang-ulam.
Sabi pa ni Quiminales, ibinahagi niya ang mga larawan ng kaniyang huling isda para maipakita na sagana pa ang kanilang lugar sa yamang dagat.
Aniya, kung mapapanatili ang pag-alaga sa karagatan, maaari pang makinabang rito ang susunod na mga henerasyon.