Advertisers

Advertisers

Lalaki sangkot sa investment scam, timbog

0 425

Advertisers

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki nang tumangay ng P10 milyon mula sa isang biktima para sa negosyong piggery na isa palang investment scam.

Sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Fraud Division ang suspek na si Aldrin Oleta.

Nakuha mula kay Oleta ang P100,000 na kaniyang tinanggap mula sa bago niya sanang bibiktimahin.



Sinabi ng NBI na may dumulog sa kanilang nabiktima ng investment scam ng suspek, na pinangakuan ng malaking kita kung mamumuhunan sa piggery business.

“Kailangan niyang mag-invest ng pera para sa kanilang piggery business at ang magiging hatian 30-70.

Lumalabas na scam lang pala ang lahat ng ginawa ng suspek sa ating complainant,” sabi ni Atty. Gisele Garcia-Dumlao, spokesperson ng NBI.

“Meron siyang tseke na ii-issue sa iyo as a guarantee na hindi ka niya maloloko. Pero ano ang nangyari? Nawala rin lahat,” sabi ng complainant na si “Rina,” hindi niya tunay na pangalan.

“Wala talaga sir na baboy. As in pumunta ako roon sa location, walang baboy. Sobrang sakit po kasi ‘yung insurance na nakuha ko nang mamatay ang father ko, napunta sa kaniya,” dagdag ni Rina.



Nahaharap sa reklamong estafa at paglabag sa Securities Regulation Code si Oleta.