Advertisers
Dead on the spot ang isang motorcycle rider nang maaksidente ito sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Mark Manlangit, 32 anyos at residente ng Bagong Silang, Caloocan City, base sa nakuhang driver’s license.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang aksidente 6:30 ng umaga sa tapat ng opisina ng Commission on Audit.
Binabagtas ng biktima ang northbound lane nang sumalpok ito sa gutter at tumilapon ito.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), posibleng matinding tama sa ulo ang natamo raw ng biktima, sanhi ng pagkamatay nito.
Tumilapon din kasi ang helmet ng rider.